MOU PARA SA KAPAKANAN NG MEDIA, ITUTULAK SA KONGRESO

Rep Nina Taduran-Usec Joel Egco

BINABALANGKAS nina Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Undersecretary Joel Sy Egco at ACT-CIS Party-list incoming Cong. Nina Taduran ang isang memorandum of agreement (MOU) upang pagtulungan na maiangat ang kapakanan ng mga mamamahayag sa bansa.

Sa ginanap na Report to the Nation Weekly Forum ng National Press Club sa Maynila, sinabi ni Egco na binubuo na nila ang mga maaa­ring pagtulungan ng PTFOMS gayundin ang magagawa ni Cong. Taduran sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa isang panayam naman kay Taduran, sinabi nito na handa siyang bumuo ng Magna Carta for Media Workers gayundin ang tinatawag na Commission on Media Workers sa pakikipagtulungan sa PTFOMS para matulungan ang mga mamamahayag partiku-lar sa seguridad ng mga ito.

Ilan sa kapuna-punang kawalan ng benepisyo ng mga mamamahayag sa bansa ay ang kawalan ng insurance, night differential, hazard pay, medicard, problema sa contractualization at iba pa.

Inaasahan naman sa susunod na linggo ay mayroon ng draft para sa MOU na inaasahang itutulak ni Taduran sa Kongreso upang maisabatas. BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.