AYAW pakabog ni Kathryn Bernardo sa darating na ABS-CBN Ball nang isusuot na gown.
Habang nasa Dubai sila ni Alden Richards para sa international screening ng kanilang pelikulang Hello, Love, Goodbye ay bumisita siya sa international designer na si Michael Cinco kasama si Alden.
Sa Instagram story ni Kathryn, makikita na sinusukatan na siya ni Cinco para sa gown na gagamitin niya sa Kapamilya Ball. Bale ikatlong beses siyang dadamitan ng international designer para sa nasabing okasyon.
Samantala, mabuti na lang at kamakailan lang na-pirata ang kanilang movie ni Alden na Hello, Love, Goodbye na kumita ng mahigit P400 million sa loob ng halos dalawang linggong pagpapalabas nito sa mga sinehan.
Nagkalat na kasi sa Quiapo ang pirated copy ng kanilang blockbuster movie. At ayon sa mga nagtitinda ng pirated copy ng Hello, Love, Goodbye ay dalawang araw pa lang daw nila nakuha ito para ibenta sa Quiapo.
Maganda ang kopya ng pirated copy at malinaw. Ang depekto lang nito ay ‘yung sound at dialoque ng movie. Pero all in all ay maganda at puwede nang panoorin.
Grabe at hindi pa rin pala nasasawata o napapatigil ang pagbebenta ng mga pirated copy ng mga pelikula sa Quiapo.
Tila malalakas at bigatin nga yata ang namamahala o nagpapalakad ng mga ito kaya hindi mapatigil at mapakulong ang dapat na managot.
FAN NI VICE GANDA UMAASAM NA MAYAKAP SIYA
NABASA na kaya ni Vice Ganda ang mensahe ng kanyang fan na diumano ay HIV positive. Sana ay madiskubre na ni Vice sa kanyang Twitter account ang panawagan ng kanyang fan na mayakap at mapasalamatan siya nito ng personal.
Narito ang open letter ng fan na itago na lang natin sa inisyal na YL.
“Isa lang sana ang hiling ko na mapansin mo ako at makita, ma-hug ka in person. Pangarap ko po ‘yun simula pa noon. I am praying for that. I know in God`s time. I love you Meme Vice.
“Hello Meme, I know na hindi mo ako kilala personally. I am YL. And I am a person living with HIV positive. And AIDS survivor. I just want to say thank you for making me happy nu’ng mga panahon na nagre-rocover pa.”
Samantala, may pasimpleng tinalakan si Vice dahil tinira na naman ang kanyang kaibigan na si Moira.
“Nabasa ko sa profile mo na may pinag-aralan ka naman. Pero sana pag may time ka matutunan mo rin ang EMPATHY at SYMPATHY,” say ni Vice sa fan na nagsabing, `sana ay pinalitan na lang si Moira, kung may sakit siya.”
Ano naman kaya ang maging reaction ni Vice sa pasaring ng ilan netizen na nagsasabing KSP (kulang sa pansin ) pa rin ito kahit na sikat na at humahakot ng maraming datung sa kanyang shows here and abroad.
Napansin o kapansin-pansin daw kasi na pilit na gustong talbugan ni Vice si Anne Curtis sa pananamit at pagkagiliw ng mga kalalakihan sa mestisang actress.
Kahit ano raw damit pa ang isuot ni Vice ay bakla pa rin ang hitsura nito at hindi raw kabighabighani sa paningin ng kalalakihan. Not like kapag si Anne ang nagsuot ng super daring at sexy outfit ay sangkatutak na ang naghahangad na mayakap ito.