INAABANGAN ng mga supporters nina Carlo Aquino at Lovi Poe ang ginawa nilang pelikula – ang ‘Seasons’. Matagal na kasi itong natapos at mahigit tatlong oras daw ang haba nito. Ano na ang latest sa movie na ito? Kelan kaya ito maipapalabas?
Sa haba ng pelikula, may nag-suggest na gawin na lang itong series para hindi masayang.
“Remember when Carlo and I shot ‘Seasons’? We just watched it and I’m feeling extra kilig and excited ’cause our editors and artistic team are contemplating if we should make the film into a limited series. How cool is that??!”, say ni Lovi.
Agree rin si Carlo na gawin itong limited series.
Panay naman ang papuri ni Lovi kay Carlo as co-actor. Aniya, magaling talaga si Carlo bilang artista at kayang kaya niya ang lahat ng eksena. Bukod dito, comfortable daw siyang katrabaho ito.
“Deep inside, I was really dying dahil nasa-starstruck ako kay Carlo,” ani Lovi. “Ang sarap katrabaho at ka-eksena ni Carlo. Hindi ko na kailangang i-motivate ang sarili ko.”
AYANNA MISOLA, HANGGANG TINGIN LANG KAYO
HUBAD kung hubad ang drama ng baguhang sexy star na si Ayanna Misola, kaya sa kanyang ikatlong pelikula ay ginawa na siyang lead star – ang ‘Kinsenas, Katapusan’.
Matindi ang mga love scenes sa launching movie niya at mas lalo pa niyang ginalingan. May trilogy movie rin sila ni Vince Rillon na ‘L: Larawan’, kung saan ginawa niya ang pinahamahabang love scenes na kaya niya.
Ngayon ay naipakita niya ang kanyang galing sa pag-arte. Kasama siya sa limited series na pinagbibidahan nina AJ Raval at Cindy Moreno, ang “Iskandalo” na magsisimula ang streaming sa Vivamax App from April 10 kada Linggo. Mayroon itong 10 episodes.
Para kay Ayanna, stepping stone lang ang paghuhubad. Pero may isa siyang limitasyon. Bawal ang hipo sa maseselan parte ng kanyang katawan.
SHERYL CRUZ MAY KILIG FACTOR SA LOVETEAMS NG ‘PRIMA DONNAS 2’
Happy si Sheryl Cruz na mapasama siya sa highest rating afternoon serye ng Siete, ang “Prima Donnas 2”. Enjoy na enjoy si Sheryl sa mga teenager na cast na sina Sofia Pablo and Allen Ansay, Althea Ablan and Bruce Roeland, at ang love triangle naman nina Jillian Ward, Will Ashley at Bruce Crisostomo.
Say nga ni Sheryl, nagbabalik-alaala sa kanya ang ‘That’s Entertainment’ days niya kung saan ay may kanya-kanya rin silang mga kaloveteam tulad nina Tina Paner at Cris Villanueva, Lotlot de Leon at Ramon Christopher, Manilyn Reynes at Janno Gibbs, at marami pang iba.
“Naku, lahat sila, nakakatuwa. It brings back memories of my own teen years. May kanya-kanya na rin silang loyal fans who watch them on Tiktok and their other social media accounts. Bawat love team naman, may kanya-kanya silang katangian why their fans support them. I remember our fans then rooting for us tuwing may show kami. Bawat love team, may sariling group of fans at kung minsan, nag-aaway pa yung iba,” say ni Sheryl.
Ano naman kaya ang kaibahan ng mga fans nila noon sa mga fans ng mga bagong henerasyon na labtim sa ngayon?
“Ngayon kasi, they follow their favorite stars na lang on youtube, or on Instagram or Facebook. Lalo na nang nagka-pandemic, bawal na ang face to face contact kaya bawal ang fans day at magpa-selfie. You can just communicate with your idols online sa sariling accounts nila. Even the fans based abroad can say hello to you and send you their messages,” ang dagdag pa ni Sheryl.