MATINDI ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL). Sa kasalukuyan ay may 26 teams na ang kalahok sa liga. Nang mag-umpisa ito, ang franchise ay nasa P500,000 lamang. Ngayong 2nd conference, ang franchise fee ay umabot na sa P10 million. Ayon sa founder ng liga na si Sen. Manny Pacquiao, sa trophy pa lang ng magtsa-champion ay sulit na dahil ang halaga ng trophy ay P10 million sapagkat may halo itong ginto at diamond. Aabot ng 11 buwan ang MPBL Datu Cup na nagsimula ni-tong Hunyo 12. Araw-araw ang laro dahil sa dami ng teams.
Sinabi ni Pacquiao na masaya siya sa nangyayari sa MPBL dahil successful ito. Next year nga raw ay magdadagdag pa sila ng teams na aabot sa 32. Ang P10 million franchise fee ay posible namang maging P50 million.
Sa totoo lang, kaming mga nag-interview kay Senator Pacquiao ay nagulat sa sobrang pag-level up ng pagkuha ng team sa liga. Tsika namin, ang P10 million na franchise sa kasalukuyan ay hindi naman cash.
Installment ang bayaran na puwedeng tatlong bigay o mas higit pa. Good luck sa mga lungsod na nagbabalak sumali next year.
Ang tanong lang naman, eh, tama ba na iakyat agad sa P50 million ang franchise? Sa 2019 ay election ng senators, mayors at vice mayors. Huwag magagalit sina Kume Kenneth Duremdes at Senator Pacquiao ha. Nagtatanong lang naman.
oOo
Nasalubong ko si Taki Saito kasama ang kanyang mommy at kapatid. Si Taki ay muse ng Alaska Aces, at susuportahan niya ang kanyang team. Kung hindi ako nagkakamali ay first time ni Taki manood ng game ng Alaska dahil sa sobrang busy nito. Saka pagkatapos ng opening noon ay nagbakasyon ito sa France. Nagulat ako kay Ms Taki, ang laki ng kanyang ipinayat.
oOo
Marami ang nagtataka kung bakit wala sa line up ng Philippine team si Ms. Myla Pablo. Nalungkot ang mga follower ni Ms. Pablo dahil marami na itong napatunayan sa PVL at Shakeys D-League.
Naging MVP na rin siya. Ano ba ang criteria para maging member ng PH team?.Sorry to say kasi mas may karapatan si Myla kaysa sa iba na kasama sa team.
oOo
May 8-1 kartada na ang Rain or Shine. Tinalo nila kamakalawa ang Phoenix, 108-106, sa MOA Arena. Maganda ang standing ng tropa ni coach Caloy Garcia. Kailangang pumasok sa finals ang ROS dahil huling conference na ito ni Chris Tiu na magpapaalam na sa PBA. Tsika namin, magpo-focus si Tiu sa family business nila.
oOo
Congratulations kay Mrs Eulalia T. Abenojar, nanalong kagawad sa Brgy. San Jose, Sto. Rosario, Angeles City, from Abe Abenojar, gayundin sa brgy. chairman namin na si Mr. Dwight Mance, na muling nahalal na pamunuan ang Brgy. 134, Bagong Barrio, Caloocan City.
Pagbati rin sa pamangkin ko na naging kagawad din sa wakas, si Pam Aquino Mamala, at sa anim na iba pang kagawad na nanalo.
Comments are closed.