GRAND opening ng 3rd season ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City. Bago ang umaatikabong bakbakan ay ipaparada muna ng 31 teams ang kani-kanilang mga naggagandahang muses, at after ng ceremonial opening ay isusunod agad ang laban ng Basilan at ng bagong lahok sa liga na Albay Volcanoes.
Malalaman kung gaano kalakas ang nabuong team ni coach Monel Kallos laban sa Basilan. Pagkatapos nito ay maghaharap naman ang Zamboanga Family’s Brand Sardines at ang Davao. Lumaban sa playoffs ang mga player ng Family’s Brand Sardines. Hindi nga lang pinalad last season, pero ngayon ay nagpalakas sila, ayon kay head coach Raymond Valenzona. Katulong niya sina asst. coach Bernie Mercado at team consultant Bai Cristobal. Good luck, MPBL!
How true kaya na may offer kay Calvin Abueva sa China? Inalok umano si Abueva ng P1.8-M sa loob ng isang taon. Sinuspinde ng PBA si Calvin dahil sa nangyari sa kanila ng GF ni Blackwater Elite Bobby Ray Parks. Pinatulan umano ni Abueva ang nobya ni Parks na feeling nito ay binastos siya ng Kapampangan player .Tsika nga naming, magdedemanda ang girl laban sa player. Hindi pa malaman kung kailan ili-lift ang suspension nito. Maibabalik lang ang player kapag humingi ito ng public apology sa GF ni Parks. Pagkatapos kasi ng controversy ay may sumunod na gulo na kinasangkutan si Calvin, laban naman sa import ng TNT na si Terrence Jones.
Sa haba-haba man ng usapan ay sa Imus Bandera pa rin maglalaro si ex-PBA player Jayjay Helterbrand. Kahapon ay inanunsiyo na Bandera na pumirma na ng kontrata si Helterbrand . Pero kagabi ay hindi pa nakasama ng Imus sa ensayo si Jayjay dahil nag-usap pa talagang mabuti ang management at ang player. Hindi lamang ang mga follower ng Imus ang excited kundi pati ang mga teammate ni Helterbrand, especially ang best friend nitong si JoJo Cunanan.
May mga bumabatikos kay Jayjay sa paglalaro muli nito ng basketball, lalo na sa MPBL, ano raw ba ang bago rito? Magugunitang isinabit na ni Helterbrand ang kanyang jersey sa PBA. As a player, siyempre may ilalabas pa ito. Siguradong mas magagamit ang ex-Ginebra player sa Imus, na inaasahan ni coach Budz Reyes ang pagtulong nito sa team.Hindi lang naman si Helterbrand ang nagbalik sa paglalaro pagkatapos iretiro ang kanilang uniform. Kabilang na rito sina Michael Jordan at Jimmy Alapag. Love kasi nila ang basketball, hanggang pakiramdam nila ay kaya pa nilang maglaro ay lalaro at lalaro sila.
Kailan kaya magbabayad ng commission ang player na ito? Nakakailang taon na siyang naglalaro sa professional league hanggang OPM lang si player sa dating tumulong sa kanya at tumatayong manager niya. Nakailang lipat na sila ng bahay ng kanyang pamilya ay ni singkong duling ay wala siyang inaabot. Kung ginawang installment ni player ang commission sa dating agent nito, siguro ay matagal na siyang tapos, magkano lang naman ‘yun.
PAHABOL: Happy birthday po kay Lota Mercado ng Tagumpay 1 Central from Manuel and Aquino family. Hi to Gabby Ramirez, liaison officer ng Zamboanga team sa MPBL. And happy birthday kay Ma’m Anita Kaw.
Comments are closed.