MPBL: MAKATI SA NORTH FINALS

MPBL Makati

NAG-INIT si Joseph Sedurifa sa overtime nang dispatsahin ng Makati-Super Crunch ang second-ranked Manila-Frontrow, 78-75, upang umabante sa 2020 Chooks-to-Go MPBL North Finals noong Biyernes ng gabi sa San Andres Sports Complex.

Nagpasabog si Sedurifa ng tatlong triples sa extra period upang bigyan ang Makati ng 78-73 kalamangan.

Gayunman ay nailapit ni Chris Bitoon ang Makati sa tatlong puntos mula sa basket sa ilalim, may 13.5 segundo sa orasan.

Pagkatapos ay gumawa si Sedurifa ng five-second inbound violation na nagbigay sa Stars ng huling pagkakataon na maitakas ang panalo.

Subalit sumablay si Aris Dionosio sa kanyang tira na tumapos sa kampanya ng Manila.

“Savior. It’s the right word for Joseph [Sedurifa], he’s the savior of our games namin ng Makati. From Bulacan and everything, so Joseph talaga,” wika ni Makati head coach Beajuing Acot sa clutch triples ni Sedurifa.

May pagkakataon ang Makati na kunin ang panalo sa regulation, subalit hindi binilang ng mga opisyal ang potential game-winning triple mula kay Joshua Torralba.

Bumangon ang Super Crunch-backed squad mula sa 0-1 series deficit upang kunin ang huling puwesto sa division finals.

Nanguna si Jong Baloria sa opensiba ng  Makati na may 16 points at kumalawit ng 6 rebounds at nagbigay ng 2 assists.

Tumapos si Sedurifa, nagbuhos ng 9 points sa overtime, na may 12 points, 5 rebounds, 4 blocks, at 3  assists, habang kumamada si Torralba ng 11 markers at 7 boards.

Nagbida para sa Manila si Chris Bitoon na may 16 points, 8 rebounds, at 6 assists.

Nag-ambag si Dionosio ng 15 points sa 5-of-17 shooting, 9 rebounds at 4 blocks, habang nagposte si Mark Dyke ng double-double na 15 at 10.

Makakasagupa ng Makati ang San Juan-Go for Gold sa best-of-three division finals.

Iskor:

Makati-Super Crunch (78) — Baloria 16, Sedurifa 12, Torralba 11, Ablaza 9, Lingganay 8, Villanueva 7, Importante 6, Apinan 4, Atkins 3, Cruz 2.

Manila-Frontrow (75) — Bitoon 16, Dyke 15, Dionisio 15, Arellano 8, Go 8, Espinas 5, Abrigo 4, Matias 2, Gabriel 2, Lopez 0, Montilla 0, Lasti-mosa 0

QS: 18-23, 39-33, 54-56, 67-67, 78-75

Comments are closed.