MPBL: MANILA SOSYO SA 2ND SPOT

Manila Stars-Frontrow

NAPANGALAGAAN ng Manila Stars-Frontrow ang kanilang home court makaraang ibasura ang Bacolod Master Sardines, 87-70, sa 2019-20 Chooks-to-Go MPBL Lakan Season noong Biyernes ng gabi sa San Andres Sports Complex.

Tangan na ang trangko sa simula ng fourth quarter, 63-53, nagpasabog ang Stars ng 17-6 bomba, tampok ang left wing triple ni Mark Dyke, may 3:01 ang nalalabi, upang lumayo sa 80-59.

“Dinagdagan namin ‘yung defensive intensity, kasi medyo nag-relax sila nung lamang na nang malaki kaya nag-adjust kami defensively,” wika ni Manila coach Tino Pinot.

Papasok sa third period na nahaharap sa 31-45 deficit,  nag-rally ang Bacolod via 14-6 run upang tapyasin ang kalamangan ng Manila sa anim, 45-51, subalit agad na sumagot ang Stars ng 8-2 counter run upang muling lumayo.

Nanguna si Carlo Lastimosa para sa Manila-Frontrow na may 22 points at 5 steals, tumirada si Dyke ng double-double 17 points at 10 boards, habang nag-ambag si Aris Dionisio ng 17 markers.

Ang panalo ay naglagay sa Stars sa second spot sa North, kasalo ang  Makati, na kapwa may 20-4 kartada.

Nagbida si Yankee Haruna para sa Bacolod na may 17 points, habang gumawa sina Ben Adamos at Paolo Javelona ng tig-11 points.

Ang pagkatalo ay isang malaking dagok sa playoff hopes ng Master Sardines-backed squad na nahulog sa 8-16 marka, 4.5 games sa labas ng eighth place.

Sa iba pang laro, nagsilbing spoiler ang Muntinlupa-Angelis Resort nang putulin ang six-game winning streak ng Iloilo United, 96-92.

Iskor:

Manila-Frontrow (87) – Lastimosa 22, Dyke 17, Dionisio 17, Lee 12, Matias 5, Espinas 3, Gabriel 3, Tallo 2, Manalo 2, Camacho 2, Bitoon 2, Lopez 0, Go 0.

Bacolod Master Sardines (70) – Haruna 17, Adamos 11, Javelona 11, Pretta 8, Villahermosa 7, Tansingco 6, Camacho 6, Gayosa 2, Charcos 2, Custodio 0, Bernardo 0, Dela Cruz 0, Cañada 0, Reyes 0.

QS: 23-16, 45-31, 63-53, 87-70.

Muntinlupa-Angelis Resort (96) – Enguio 26, Magisa 14, Rebugio 11, Ylagan 11, Ortouste 9, Moralde 7, Po 4, Reyes 4, Salaveria 3, Maloles 3, Pamulaklakin 2, Gonzales 2.

Iloilo-United (92) – Jeruta 21, Tamsi 18, Racho 13, Gumaru 10, Mahari 10, Publico 10, Prado 6, Rodriguez 4, De Joya 0, Li 0, Arambulo 0.

QS: 28-19, 49-47, 70-72, 96-92.

Comments are closed.