TATAKBO ngayong araw ang Manila Police District Press Corps (MPDPC) Charity Race sa Manila Jockey Club Inc., sa San Lazaro Leisure & Business Park sa Lantic Carmona Cavite.
Ayon kay Dr. Andrew Buencamino, Executive Director III ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM), ang charity race ay may guaranted na P180,000 na premyo na ibibigay sa may-ari ng mananalong kabayo.
Sinabi naman ni Philracom Chairman Andrew Sanchez, ang ‘slot’ na ibinigay sa MPDPC ay kasabay ng 1st Leg ng The Triple Crown Series na inaabangan ng ‘Bayang Karerista”.
Ngayon pa lamang ay taos pusong nagpapasalamat si Mer Layson, presidente ng MPDPC sa walang sawang pagtulong ng Philracom sa iba’t ibang proyekto ng mga mamamahayag na kumokober ng MPD, kabilang na ang pagsasagawa ng Medical and Dental Programs, Bloodletting, Feeding Mission at Office Renovation.
Inaanyayahan ni Layson ang ‘Bayang Karerista” na manood, makiisa at tumaya sa MPDPC Charity Race.
Comments are closed.