NALUSUTAN ng Rizal Xentromall Golden Coolers ang Bacoor City Strikers Metro Land Builders Corp. para sa kanilang ikalawang road win sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA).
Nahaharap sa 0-2 deficit, humabol ang Golden Coolers upang maitarak ang 25-23, 25-15, 27-29, 26-24, 9-15 panalo.
Magaan na nadominahan ng Bacoor City Strikers ang Rizal sa unang dalawang sets.
Gayunman ay hindi sumuko ang Rizal at kinuha ang hard-fought victories sa third at fourth sets.
Napanatili ng Golden Coolers ang kanilang momentum at tinapos ang fifth set sa iskor na 15-9.
Nabigo ang Bacoor City Strikers sa kanilang home court sa ikalawang sunod na laro, kasunod ng pagkatalo sa Nasipit Agusan Del Norte.
Kasalukuyang nangunguna ang Rizal Xentromall Golden Coolers sa standings na may 2-0 record.
Nanguna sa scoring para sa Bacoor sina Mary Rose Dapol (27) at Shaila Omipon (22), habang bumandera para sa Rizal sina Janeth Tulang (21) Joan Doguna (19) at Stacey Lopez (14).