GOOD day, mga kapasada! AS ALWAYS, stay safe, mga kapasada. Observe by heart the health protocols implemented in your respective barangay tulad ng pagsasailalim sa granular lockdown or whatever para ligtas tayo sa pagkahawa sa COVID-19. Para sa kapakanang pangkalusugan ng mga mananakay, minarapat po nating talakayin ang pagpapatupad ng pinaigting na health protocols sa Metro Rail Transit–3 (MRT-3) ngayong lubhang tumaas na naman ang mga kaso ng COVID-19 sa maraming bahagi ng metropolis.
Ayon kay MRT-3 Director for Operations Michael Capati, bilang patunay ng sinseridad ng management na mabigyan ng sapat na proteksiyon ang kalusugan at kaligtasan ng mga mananakay, pinag-ibayo nila ang pangkalusugang proteksiyon. Bilang unang hakbang na kanilang isinagawa ay ang ibayong pagsasagawa ng sanitasyon (kalinisan) at disinfection sa MRT-3 sa pamamagitan ng paglalagay ng karagdagang CCTV habang nagre-realign ang iba pang units sa cleaning areas ng mga stations upang masakop ang mga ito sa security footage ng pamunuan.
Ayon pa kay Capati, may mga tauhan na rin ang MRT-3 na itinalaga upang matiyak na ang pagpapatupad ng maintenance provider ng MRT-3 na Sumitomo-MHI-TESP ay wasto at napagkasunduang disinfection at cleaning protocol sa panahon na isinasagawa ang pagpapaigting ng health protocols. Sa hanay naman ng maintenance personnel ng linya, sinabi ni Capati na maglulunsad ng isang malawakang retraining upang makatiyak na hindi mauulit ang naganap na insidente ng paglabag sa disinfection protocols sa mga tren ng MRT-3.
ITATAGAL NG MAKINA NG SASAKYAN NASA WASTONG PAG-AALAGA
Mga kapasada, bilang katugunan ng pitak na ito sa mgahinakdal ng karamihan nating mga drayber na ipinadadala saatin sa pamamagitan ng social media, minabuti nating abalahingmuli ang ating kasanggunitng professional Mechanic na si Jess Viloria na dating chief Mechanic consultant ng isang kilalangauto supply sa kahabaan ng Sucat Avenue sa Barangay San Antonio, Parañaque City. Ang paksang aming tinalakay ay ang tungkol sa proper maintenance ng component ng Engine na siyang malimitikonsulta ng ating mga kapasada sa pitak na ito nuon pa man.
KAILAN DAPAT PALITAN ANG AIR FILTER
Simulan natin, mga kapasada, sa AIR FILTER. Ano-ano po ba ang gampanin nito sa engine at kailan ito dapat palitan para humusay ang kondisyon nito? Ayon po kay Jess Viloria, ang ating mechanic consultant, gampanin po ng air filter ang mga sumusunod:
- Ang hanging pumapasok sa engine ay dumadaan sa air filter
- Sinasala nito ang iba’t ibang klase ng debris na pumapasok sa engine.
- Nakatutulong ito upang ang makina ay manatiling nasa kondisyon sa matagal na panahon. Ayon pa kay Jess, ang air filter ay dapat palitan sa pagitan ng 15,000 at 30,000 miles depende sa driving conditions.Meaning, if you drive on unpave roads, kailangan ang malimit na pagpapalit ng air filter. At kung hindi naman malimit gamitin ang sasakyan, dapat magpalit ng air filter minsan sa loob ng tatlong taon dahil nagiging malutong ito at madaling makapasok ang dumi o debris sa loob ng makina.
SINTOMAS NG MARUMING AIR FILTER
Ano-ano nga ba ang sintomas ng maruming filter? Ano ng epekto nito sa performance ng makina? Kabilang sa mga sintomas ng maruming air filter ay kulang sa puwersa (lack of power on acceleration) at hard acceleration at higher RPMs (revolution per minute) na nagiging dahilan ng pagiging malakas sa kain ng gasolina. Ang air filter ay kailangang i-check sa tuwing magpapalit ng langis. Sa panahon ng pagpapalit ng langis, sinusuri ng inyong mechanic ang kondisyon ng air filter para malaman kung kailangang linisin sa pamamagitan ng compress air o kailangang palitan na ng bago. Religiously, without complain, sundin ang payo ng inyong service mechanic to your economic gains.
ANG WASTONG MAINTENANCE NG RADIATOR
Ayon kay Jess, ang radiator maintenance ay isa sa pinakamabisang paraan upang maiwasan ang engine failure samantalang lumilikha ang engine ng ibayong init habang ito ay ginagamit lalo na sa malayuan o matinding kondisyon ng buhol ng trapik. Kapag, aniya, sobrang init, the radiator pumping through the engine ay nakalilikha ng damaging heat na nagreresulta sa pagkakaroon ng damage ng engine. Ang cooling system ng makina ay umaasa sa radiator sapanahon ng paggamit ng sasayan.
Sa mahabang pagtakbo ng sasakyan, sumasagap ito ng dumi, insekto, mga dahon na nagkalat sa lansangan, at iba pang debris na siyang dahilan ng pagbabara ng mga fin nito na nagiging sanhi naman ng ‘di maayos na daloy ng hangin sa engine sapamamagitan ng radiator. Ito ang karaniwang dahilan ng pag-init ng makina. Ang external radiator cleaning ay dapat ginagawa kada 12 buwang gamit ng makina. Ang paglilinis ng radiator ay ginagamitan ng hose and nozzle, gayundin ng soft nylon brush.
Kapag malamig na ang makina, start gently rushing the radiator fins, ayon sa direction ng fins nito. Karaniwang nade-deform ang fins dahil ito ay malambot kung gagamitan ng brush ng hindi umaayon sa ayos ng fins. Suriing mabuti ang radiator fluid levels on a regular basis.
Tingnan ang anti-freeze coolant level at dagdagan kung ito ay kulang sa regular na coolant level ayon sa isinasaad ng radiator manual. Samantala, kung ang reserve tank ay walang laman, dagdagan din ang radiator fluid, 50/50 mixture with mineral free water upang maprotektahan ang tubig sa cooling system from freezing. Kung laging makikitang mababa ang fluid level ng radiator, ibig sabihin ay may tagas ito na dapat kaagad na magawan ng remedy. Matapos linisin ang radiator, huwag kalilimutang lagyan ng 50/50 radiator fluid ang tubig. Tiyakin na ang reserve containteray puno at laging tsikin ito pagkalipas ng ilang araw. Payo pa ni Jess, doing your maintenance will help avoid radiator problems and can be a real money saver at sa pagsasagawa ng regular radiator flush and external cleaning, mapananatili ang magandang kondisyon ng makina at makatitipad pa sa fuel cost.
LAGING TATANDAAN: UMIWAS SA AKSIDENTE UPANG BUHAY AY BUMUTI. AS ALWAYS, HAPPY MOTORING. STAY SAFE.
316407 650306I dont leave a lot of comments on lots of blogs each week but i felt i had to here. Do you need to have numerous drafts to make a post? 6460
515038 219877I genuinely like reading via and I feel this site got some genuinely utilitarian stuff on it! . 648931
993162 449032 An intriguing discussion is worth comment. I think that you ought to write a lot more on this subject, it may not be a taboo subject but normally individuals are not enough to speak on such topics. Towards the next. Cheers 661678