MRT TRAINS BABAWASAN SA PAGLOBO NG COVID-19 CASES

MRT-3-7

BABAWASAN na ng Metro Rail Transit Line 3 ang mga tren nito si­mula sa Lunes, Hulyo 6, makaraang madagdagan ang depot workers na nagpositibo sa COVID-19.

Sa isang briefing, sinabi ni Department of Transportation Undersecretary for Railways Timothy John Batan na hanggang noong Hunyo 30, ang MRT-3 ay nakapagtala ng 127 infections. Sa nasabing bilang, 124 ang depot personnel ng maintenance provider Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries ng rail line habang tatlo ang MRT-3 railway workers.

“The extent of ope­rating level reduction (i.e., number of reduced trains) will be advised by Sumitomo over the weekend,” wika ni Batan.

Ayon sa MRT-3, magde-deploy ng augmentation buses para mapunan ang mga nabawas na tren. “Additional measures and precautions will be taken du­ring MRT-3’s reduced operations, including requiring full PPE for stations and depot personnel, limiting movement of depot personnel to their immediate areas of responsibility, increased disinfection activities, and heightened monitoring and screening of symptoms among all personnel,” dagdag nito.

Tiniyak naman ng management na nananatiling virus-free ang lahat ng station staff nito. Mula sa 16-19 operational trains kada araw ay pansamantalang gagawin itong 10-12 trains kada araw.

Samantala, hinikayat ng Public Commuters and Motorists Alliance (PCMA) ang mga mananakay na maging extra vigilant sa pamamagitan ng pagsunod sa protocol na ipinatutupad ng gobyerno upang makaiwas sa pagkalat o maging biktima ng COVID-19.      BENEDICT ABAYGAR, JR.

Comments are closed.