BALIK na sa operasyon ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3), Light Rail Transit Line 2 (LRT2), Light Rail Transit Line 1 (LRT1) at ang Philippine National Railways (PNR) sa Miyerkoles, Agosto 19, makaraang isailalim ang Metro Manila at mga kalapit na lalawigan sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ).
Pinaalalahanan ng MRT3, LRT2, LRT1 at PNR ang mga mananakay na obligado silang magsuot ng face mask at face shield. Ang mga pasahero na walang face mask at face shield ay hindi papapasukin sa premises at hindi pasasakayin ng tren.
Sa isang post sa Facebook, sinabi ng DOTR-MRT3 na magde-deploy ito ng 18 train sets, kabilang ang 16 CKD train sets at dala-wang and Dalian train sets.
Ang first trip sa North Avenue at Taft Avenue stations ay alas-5:30 ng umaga, habang ang last trip ay alas-9:10 ng gabi para North Avenue station (southbound) at alas-10:11 ng gabi para sa Taft Avenue station (northbound).
Samantala, sinabi ng Light Rail Transit Authority (LRTA), operator ng LRT2, na ang mandatory wearing ng face shield bukod sa face mask ay alinsunod sa Memorandum Circular 2020-014 na inisyu ng Department of Transportation (DOTr) noong nakaraang Agosto 3.
Sa isang reply sa isang Twitter user ay sinabi naman ng LRT2 na ipagpapatuloy nito ang train services, gayundin ang pagpapatu-pad ng safety protocols at limited capacity sa Miyerkoles.
Nag-post din ang Light Rail Manila Corporation, ang operator ng LRT1, ng advisory sa pagbabalik ng serbisyo nito.
Ipagpapatuloy naman ng PNR ang operasyon nito na may parehong iskedyul at health protocol na ipatutupad.
Sinuspinde ang operasyon ng mga tren noong Agosto 4 nang ibalik ang Metro Manila sa modified enhanced community quarantine (MECQ) dahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID-19.
Comments are closed.