MS UNIVERSE HARNAAZ SANDHU DADALO SA MISS U PH CORONATION NIGHT

MAKIKITA si Miss Universe 2021 Harnaaz Sandhu sa Miss Universe Philippines (MUPH) coronation night sa April 30 bilang special guests.

Sosy dahil susunduin pa si Harnaaz ng private plane ni Narvacan mayor Luis “Chavit” Singson, ang Air Beauty One. Makakasama rin niya ang iba pang Miss Universe titleholders  na sina event are Pia Wurtzbach (2015), Iris Mittenaere (2016) at Demi-Leigh Tebow (2017), na magiging host sa gabi ng parangal.

Kasama naman sa top 32 delegates sina Miss World Philippines 2019 Michelle Dee, Miss Universe Philippines 2020 third runner-up Pauline Amelinckx at Miss Earth Philippines 2018 Celeste Cortesi.

PIA WURTZBACH NANG-UMIT NG LIP BALM SA TINDAHAN

Naalala ni Pia Wurtzbach na there was a tie na nagnakaw siya ng lip balm sa isang tindahan kasama ang ilan niyang pinsan. Katuwaan lang daw.

Pero hindi na raw niya inulit dahil nakukunsensya siya. Sa totoo lang, sinubukan lang daw niya kung kaya niyang mag-shoplift sa nasabing department store. Pero kahit hindi siya nahuli, hangga ngayon ay nahihiya pa rin siya sa kanyang sarili.

Samantala, nagtayo na rin si Pia ng sarili niyang negosyo, ang Pia’s Kitchen, na talaga namang ipinagmamalaki niya. Magse-serve daw muna sila ng Japanese cuisine, pero papalitan nila ang menu taon-taon.

SETH FEDELIN IPINAGTANGGOL SI ANDREA BRILLANTES

Nanawagan si Seth Fedelin sa kanyang mga fans na respetuhin at suportahan ang kaibigan at onscreen love team partner na Andrea Brillantes, na karelasyon ngayon ni actor-basketball player Ricci Rivero.

Napaka-unfair daw kasi ng mga nababasa niyang comments tungkol kay Andrea gayong wala naman silang alam sa kung ano talaga ang nangyayari.

“Hindi po deserve ng kaibigan ko na makarinig ng mga gano’ng salita, kaya please lang, tama na po,” ani Seth.

Hindi rin umano siya galit na hayagan ang pakikipagrelasyon ngayon ni Andrea. Sa halip, natutuwa raw siya dahil deserve ni Andrea na ipagsigawan siya sa publiko ng lalaking karelasyon niya.

“Suportahan na lang po natin, ‘wag na po tayong sumira. Ako po mismo, suportado ko silang dalawa,” dagdag pa ni Seth.

BASHERS NI GAB VALENCIANO KINUMPRONTA NG MAG-ASAWANG ANGELI AT GARY

To the rescue ang mag-asawang Angeli Pangilinan at Gary Valenciano sa anak na si Gab matapos itong batikusin sa pagbibiigay-suporta sa tiyuhin at ninong na si Kiko Pangilinan.

Ani Angeli: “To trolls & insensitive netizens who are bashing my son @gabvalenciano for believing in the #LeniKiko tandem, it took years for him to bounce back from his mental breakdown some years back so I am warning u to please STOP YOUR CYBER BULLYING & bashing our son. God bless you.’

“I stand with you in this hon,” sagot ni Gary bilang suporta kay Angeli. Dagdag pa niya, “No matter how much you’ve been bashed… rain or shine you also have inspired countless with your stand.

“Continue to reflect the character of those you stand for and let the bashers reflect theirs. I love you so much.”

Hindi naman apektado si Gab sa pamba-bash sa kanya ng mga netizens, pero nagpapasalamat pa rin siya sa mga magulang sa pagtatanggol sa kanya.

Tumanggap ng maraming batikos ang pagsasayaw ni Gab sa campaign sortie nina Leni at Kiko, na ikinukumpara sa mga dance number ni senatorial aspirant Harry Roque sa pangangampanya.

NEW LOVE NI DONITA ROSE SAGOT SA KANYANG DASAL

Hindi nagpatinag si Donita Rose sa iilang bashers ng kanyang bagong pag-ibig. Aniya, kahit ano’ng pambabatikos ng publiko sa relasyon nila ng kanyang musician boyfriend na si Felson Palad ay hindi sila matitinag. Si Felson umano ang sagot sa matagal na niyang dasal at ipaglalaban niya ito kahit ano pa ang mangyari.

Kahit si Felson ay nagpapasalamat din sa Diyos na natagpuan niya ang tamang babae para sa kanya. Ani Felson, “You are my unexpected blessing. I didn’t think you would ever come into my life, but here you are, the Apple of my eye. God has already prepared the good works and adventure for us together. I am excited.”

Alam ng lahat na nakipaghiwalay si Donita sa dating asawang si Eric Villarama matapos ang 12 taong pagsasama. Ikinasal sila sa California noong June 9, 2003, at na-finalize ang kanilang divorce noong December 2016. Sa ngayon raw ay nagkapatawaran na sila