(MSME, Money & Sustainability) Sustainability, mahalaga sa negosyo

MADALING  magsimula ng negosyo pero mahirap itrong ma-sustain, kaya napakaraming negosyong maayos lamang sa umpisa pero makaraan ang tatlo hanggang limag buwan ay napipilitan nang magsara. Wala kasing sustainability.

E anon ga ba ang ibig sabihin ng sustainability?

Ito ang kakayahang manatili at mag-develop bf isang negosyo na hindi nasasaid ang natural resources, na kakailanganin naman ng iba sa hinaharap. Ayon sa United Nations, makakamit lamang ang sustainable development kung makukuha mo ang iyong pangangailangan sa kasalukuyan na hindi nakokompromiso ang kakayahan ng future generations na makagawa rin ng paraan upang makamit ang kanilang mga pangangailangan. Halimbawa, lugawan ang negosyo mo at nangangailangan ka ng bigas para ma-sustain ito. Dapat, sa susunod na 100 years, may bigas pa ring mabibili para sa parehong negosyo.

Sa negosyo, ang sustainability ay ang estratehiya ng kumpanya na mabawasan ang negatibong epektro sa kapaligiran na may kinalaman sa kanilang operasyon sa partikular na mercado. Bago sila magsagawa ng anumang desisyon, dapat ay pinag-aaralan munang mabutti ang tinatawag na sustainability practices, kung saan inaanalisang mabuti ang sukatang environmental, social, at governance (economics). Ang tawag dito ay ESG. Ito ang tatrlong haligi ng sustainable business. Sa madaling sabi, kinukunsidera ang tao, planeta, at kikitain, at sakaling may makitang hindi ayon sa nararapat at gagawan agadn paraan.

Balik tayo sa negosyong lugawan. Bago ito simulant, alamin muna kung saan itatapon ang basura. Saan bibili ng mga sangkap. Ilang tao ang dapat swelduhan. At kung magkano ang matitirang tubo kapag nakaltas na ang mga pangunahing gastusin.

Pag-aralan din kung saan mapupunta ang matitirang produktong hindi na pwedeng ibenta kinabukasan. Ipamimigay bai to sa mga empleyado, ibebenta bilang kaning baboy o ipmamimigay sa mga pulubing nagugutom?

Alamin din kung ano ang panggatong na gagamitin. Uling ba, kahoy o LPG? Saan mas makakamura, at alin ang mas hindi gaanong nakaaapekto sa kalikasan. Nahalaga kasing mabawasan ang greenhouse gas emissions. Mas maganda kung gagamit ng renewable energy sources.

Inuulit namin, mahalaga ang sustainability sa kahit anong negosyo, gaano man ito kasimple. Kung walang healthy planet, wala ring healthy business. NLVN