MUAY ARTISTS ABUBAKAR, BOMOGAO NAGNINGNING SA PSC WMAF

DINOMINA nina Rudzma Abubakar at Islay Erika Bomogao ang kani-kanilang event na nagpakita sa katatagan ng national team mula sa Muay Thai sa 8th Philippine Sports Commission Women’s Martial Arts Festival kshapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Ginapi ni Abubakar, isang Southeast Asian Games bronze medalist, si fellow national team member Floryvic Montero ng Team Bagsik upang kunin ang gold medal sa 48kg category habang namayani si Bomogao kay SEA Games waikru partner Rhichein Yosorez sa individual waikru event.

Tubong Baguio City, sina Bomogao at Yosorez ay nagwagi ng gold sa women’s waikru sa SEA Games noong Mayo sa Vietnam. Sumabak sila sa WMA Festival bilang bahagi ng kanilang paghahanda para sa ilang nalalapit na torneo, gayundin sa part 6th Asian Indoor Martial Arts Games sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.

Dinomina rin nina Team Bagsik’s Mary Glyde Elizabeth Salazar (48kg), Allysa Kylie Mallari (60kg) at April Joy La Madrid (63.5kg) ang kanilang weight classes sa six-day meet na inorganisa ng PSC at suportado ng Pocari Sweat at Go21. Ang Team Bagsik ang moniker ng national muaythai team.

Kinumpleto nina Romarah Derrica Cerezo (54kg) ng Bootcamp Muaythai, Claire De Guzman (57kg) ng PAF Veterans, Ronelyn Tondag (-45kg) ng Malabonian Ninjas at Baby Jane Buzon (45kg) ng PAF Veterans ang gold medal winners sa muay.

Sa combat sambo sa Rizal Memorial Coliseum, tinalo ni Mariane Mariano si Jomary Torres upang kunin ang under 54kg title habang nakopo ni Geli Bulaong ang under 59kg diadem kontra Charina Margallo.

Sina Princess Cortez (under 54kg) at Aislinin Agnes Yap (under 80kg) ang top finishers sa sport sambo makaraang pataubin sina Amber Arcilla at Lea Loren Quimba, ayob sa pagkakasunod.