(Mula 2010 hanggang 2019 dahil sa climate-related hazards)P290-B NAWALA SA AGRIKULTURA

MAHIGIT sa P290 billion ang nawala sa agrikultura mula 2010 hanggang 2019 dahil sa climate-related hazards, ayon sa Climate-Resilient Agriculture Office (CRAO).

Sa Senate budget hearing, iniulat ng CRAO na 99.9% ng production loss mula 2010 hanggang 2019 ay sanhi ng climate-related hazards kung saan ang mga bagyo “most destructive” sa 84.56% o P243,082,454,750 halaga ng production damages.

Pumapangalawa ang moisture stress na may 14.58% o P42.413 billion, sumusunod ang mga pagbaha sa 1.70% o P4.938 billion at pests and diseases sa 0.11% o P308 million na halaga ng losses.

Ang mga lindol ay nagdulot ng P167 million na halaga ng production losses habang ang volcanic activities ay nagkakahalaga ng P4.088 million.

Ayon sa CRAO, mahigit sa 95% ng production losses ay mga pinsala mula sa mga pananim, fisheries, at livestock.

Ang rice farmers ang pinakaapektado ng climate-related hazards sa 42.12% o P116.142 billion.

Sinundan ito ng coconut na may P48.873 billion na halaga ng pinsala, corn na may P44.282 billion, banana na may P26.826 billion, high-value commercial crops na may P18.066 billion, af vegetables sa P1.004 billion.