CAMP AGUINALDO – KASABAY ng pahayag ng Commission on Elections (COMELEC) na halos na-deklara ang lahat ng mga nanalo sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections, nagpasalamat naman ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mapayapang halalan noong Lunes.
Ipinagmalaki ng COMELEC ang naging role ng AFP at PNP sa katatapos na BSKE dahil sa mas mababang bilang ng election related incidents kung ihahambing sa mga nakaraang halalan.
Bukod sa walang naideklarang failure of election, ikinatuwa rin ng Comelec ang malaking voters turnout sa nakaraang halalan.
Itinuring din ng AFP na tagumpay ang kanilang inilatag na seguridad.
Ayon kay AFP spokesperson Col. Edgard Arevalo walang nanggulo at hindi napigilan ng pagpapasabog ang botohon at maging ang bilangan sa kalapit na polling precincts.
“There were so far, as of 8 p.m. update of our field units to our AFP command center, no major untoward incidents transpired that could have disrupted the casting of ballots today in the polling centers reported,” ani Arevalo.
Sa tala ng PNP, may 8 suspected violent incidents kasama ang pitong minor incidents sa South Cotabato, Maguindanao at Lanao del Sur kung saan sa South Cotabato ay may isang nasawi.
May 38 suspected election related shooting incidents na naitala ang NEMAC mula nang magsimula ang election period na ang simula noong April 14, 2018.
May walong kaso ng vote-buying sa Cavite, Batangas City, Tarlac, Bohol, Taguig City, Aklan, Negros Occidental at Lucena City, kung saan ay may mga naaresto ang mga local police for violation of the Omnibus Election Code. VERLIN RUIZ
Comments are closed.