(Mula Dis. 20 hanggang Enero 2) PROV’L BUSES PUWEDE SA EDSA

PAPAYAGAN ang provincial buses na bumagtas sa Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) mula Disyembre 20 hanggang Enero 2 para sa mas mabilis na turnaround time at upang ma- accommodate ang mas maraming pasahero sa gitna ng inaasahang pagtaas ng volume ngayong holiday season.

Sa isang statement nitong Biyernes, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Romando Artes na ang provincial buses ay papayagan sa EDSA mula alas-10 ng gabi hanggang alas-5 ng hapon, mula Disyembre 20 hanggang 25.

Mula Disyembre 26 hanggang Enero 2 ng susunod na taon, ang mga bus ay papayagan sa EDSA 24/7.

“More than 2,100 buses will benefit from the said holiday traffic scheme,” ani Artes.

Ang mga provincial bus mula sa norte ng Metro Manila ay ite-terminate ang kanilang biyahe sa Cubao, Quezon City habang ang mga manggagaling sa south ay tatapusin ang kanilang trips sa Parañaque Integrated Terminal Exchange sa Pasay City.

“Albeit there is an expected increase in vehicular volume this Christmas season, we want our bus operators to serve more passengers for their convenience and faster travel to their respective destinations,”aniya.

Tiniyak niya na ang traffic adjustment ay hindi makakaapekto sa mga bus na bumabagtas sa EDSA Carousel route.

Sa kasalukuyan, tinataya ng MMDA na may 464,000 sasakyan ang dumadaan sa EDSA araw-araw at inaasahang tataas pa ito mula 470,000 hanggang 480,000 sa ikalawa o ikatlong linggo ng Disyembre.

Sa panahong ito, tinatayang ang travel speed sa EDSA ay mag-a-average ng 18 km. per hour (kph), mas mababa sa normal na 21 kph.

Ang average vehicular speed ay maaaring bumaba pa sa 15 kph habang papalapit ang Pasko.