MULA ENERO, 153 NA ANG NALAGAS SA LEPTOS

Secretary Francisco Duque III

UMABOT  na sa 153 katao  ang  namatay sa leptospirosis sa buong bansa mula Enero hang­gang Hunyo ng taon.

Iniulat  ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na sa nasabing bilang ay 73 ang galing sa Metro Manila, habang  may 561 pang mga pas­yente  ang naospital.

Sinabi ni Duque na hindi dapat balewalain ang outbreak dahil talagang nakamamatay ang leptospirosis na bakterya mula sa ihi ng daga na maaaring pumasok sa katawan ng mga naglalakad sa baha.

Paalala pa ni Duque, kung hindi maiiwasang lumusong sa baha ay dapat na maghugas agad ng paa.

Kung makararamdam  ng mga sintomas na katulad ng sipon at trangkaso ay dapat magtungo agad sa health center  upang masuri.

Hindi rin umano dapat matakot sa gastusin ang mga dadapuan nito dahil libre ang pagpapagamot sa mga pampublikong ospital. NENET L. VILLAFANIA

Comments are closed.