UMABOT sa P153 billion ang halaga ng mga subsidiya ng national government sa government-owned and controlled corporations (GOCCs) mula Enero hanggang Nobyembre 2023, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Sa datos ng BTr, lumitaw na ang Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) ang tumanggap ng pinakamalaking budgetary support na nasa P50.7 billion.
Pumangalawa ang National Irrigation Administration (NIA) na may P38.4 billion.
Sumunod ang National Housing Authority na may subsidiya na nagkakahalaga ng P17.8 billion.
Ang iba pang top recipient GOCCs ay ang National Food Authority (NFA) na may P9.7 billion; Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation, P5 billion; Philippine Crop Insurance Corporation, P4.6 billion; Philippine Fisheries Development Authority, P3.3 billion; at Bases Conversion and Development Authority, P2.9 billion.
Para sa buwan lamang ng Nobyembre, ang mga subsidiya sa GOCCS ay tumaas sa P6.7 billion mula sa P6.1 billion noong nakaraang taon.
Ang NIA ang tumanggap ng pinakamalaking subsidiya na nagkakahalaga ng P2.5 billion, sumunod ang NFA na may P2.5 billion.
(PNA)