MAY P42.4 billion na halaga ng smuggled goods ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) mula Enero hanggang Nobyembre 24 ngayong taon.
Sa isang briefing, sinabi ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio na doble ito ng mahigit sa P20 billion na halaga ng smuggled goods na nasabat sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon kay Rubio, bunga ito ng mas mahigpit na pagpapatupad sa batas.
Sa kabuuang halaga, ang counterfeit goods ay nagkakahalaga ng P24.3 billion, illegal drugs, P7.5 billion; agricultural products, P3.77 billion; cigarettes, P3.76 billion; general merchandise, P963.6 million; at fuel, P716.3 million.
Kabilang din sa nakumpiska ang vehicles and accessories, used clothing, steel products, electronics, cosmetics, firearms, food, chemicals, at jewelry.
“This is already the highest that the BOC seized and we still have a month left,” sabi ni Rubio.
(PNA)