MAY kabuuang 219,693 uncertified products na nagkakahalaga ng P64.5 million ang nakumpiska ng Department of Trade and Industry (DTI) mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon.
Sinabi ng DTI na pinaigting nila ang market monitoring sa pagharang sa uncertified goods upang proteksiyunan ang mga consumer mula sa substandard electrical at electronic products, mechanical at construction materials, gayundin sa chemical at iba pang consumer products at systems.
Sa market monitoring ng Fair Trade Enforcement Bureau (FTEB) noong nakaraang Dec. 16 ay nakakumpiska ito ng P418,578 halaga ng uncertified products sa retail stores sa Manila pa lamang.
Ang 650 kinumpiskang uncertified goods ay kinabibilangan ng LED bulbs, lavatories and water closets, electric fans, electric rice cookers, electric food mixers at induction cookers.
Siyam na retail firms sa Manila ang inisyuhan ng Notices of Violation (NOVs). noong nakaraang Dec. 7 dahil sa pagbebenta ng uncertified goods tulad ng electric kettles, electric food mixers, electric fans, electric grills, electric cookers, electric food processors, electric rice cookers, electric juicers at self-ballasted LED lamps.
“The DTI’s intensified enforcement operation is to ensure that household appliances and other consumer products in the market have undergone and met safety standards,” wika ni DTI Undersecretary for Consumer Protection Group Ruth Castelo.
Ayon kay Castelo, ang inisyatibang ito ng DTI ay hindi naglalayong higpitan ang mga negosyo kundi ang tiyakin ang kaligtasan ng mga consumer mula sa pagbili ng uncertified products na hindi dumaan sa tamang testing. PNA