(Mula sa Chile, Canada, Singapore) 3 AMBASSADORS NAKIPAGPULONG KAY VP SARA

NAKIPAGPULONG kay si Bise Presidente Sara Duterte ang tatlong sugo ng Chile, Canada at Singapore kasabay ng papuri sa pagsusumikap, pasensiya at kabutihang-loob ng mga Pilipino.

Sa isang serye ng courtesy calls ng mga ambassador mula sa nasabing tatlong bansa, tinalakay ang tungkol sa mga manggagawang Pilipino na nais nilang palakasin ang ugnayan ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas.

Nagpasalamat naman si VP Sara kay Canadian Ambassador to the Philippines, H.E. David Bruce Hartman para sa pagsasama sa Pilipinas sa kanilang Electronic Travel Authorization (eTA) program na nagbibigay ng pagkakataon para sa mas maraming Pilipino na bumisita, mag-aral, o magnegosyo sa kanilang bansa.

“Kami ay nagpapasalamat sa visa waiver program para sa mga Pilipino,” ani VP Sara.

Ayon kay Hartman, ang programang eTA ay naglalayong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.

Dagdag pa nito, inaasahan nilang dalawang milyong mamamayang Pilipino ang bibisita sa kanilang mga pamilya at kaibigan sa Canada.

Sinabi naman ni Singaporean Ambassador to the Philippines Constance See Sin Yuan na labis ang kanilang pasasalamat sa mga Pilipino na naging bahagi ng kanilang pang-araw-araw na buhay at pangako ang kanilang pangangalaga lalo na sa panahon ng pandemya.

Aniya, mahigit 200,000 Pilipinong naninirahan, nagtatrabaho, o nag-aaral sa Singapore.

“Ang mga Pilipino ay tumayo sa tabi natin, tumayo sa pagkakaisa sa paglaban sa COVID,” ani See Sin Yuan.

Sinabi naman ni Chilean Ambassador to the Philippines, His Excellency Alvaro Jara Bucarey na plano ng kanyang bansa na palakasin ang relasyon nito sa Pilipinas.
ELMA MORALES