(Mula sa sexy image) KIM DOMINGO GUSTO NANG MAGING SERIOUS ACTRESS

FROM her sexy image, gusto na raw talagang mag-focus sa acting ni Kim Domingo.sizzling bits

Malaki raw ang pasasalamat niya at naunawaan naman siya ng GMA at hindi pinilit sa isang bagay na ayaw na niya.

What if may offer na sexy movie na sa palagay niya’y kikita?

“Iyon nga po ang sabi ko,” she said honestly. “Depende talaga sa scenario, depende sa kuwento. Why not, ‘di ba?

“Kasi, sabi ko, hindi ko naman po talaga totally isinasarado ‘yung pintuan. Kasi, imposible naman na kung magkaroon ng project na maganda, ‘di ba, tapos may halong ganun, ‘di ba, why not?”

Sino naman ang gusto niyang leading man?

“Si Alden (Richards), hindi ko pa nakaka-work. Si Kuya Dong (Dingdong Dantes), hindi ko pa nakaka-work.

Si Tom (Rodriguez), naka-work ko na sa indie film. Si Dennis (Trillo), sa Juan Happy Love Story,” she narrated.

Sa female stars, there is no doubt na idol niya si Marian Rivera that she was able to co-star at the soap Super Ma’am.

Kahit dalawang taon na raw ang nakalipas since gawin nila ang telefantasyang Super Ma’am, patuloy pa rin ang kanilang friendship through their Viber group.

Shifting to other interesting topics, isa raw sa pinakamahirap na proyektong kanyang ginawa ang horror series na Hanggang Sa Dulo Ng Buhay Ko nitong Sabado, October 19.

“Kasi horror, e, tapos kailangan talaga mahaba rin ang patience mo, kasi hindi rin ganu’n kadali,” she intimated.

Kahit sa acting ni Kim ay matindi raw ang requirement.

“Meron po akong switching, from mabait to salbahe. E, ang galing ni Kris (Bernal)!”

Sa kuwento, sumasa­nib ang multong si Naomi (Kris) sa katawan ni Katya (Kim). Unang beses na nakatrabaho ni Kim sina Kris, Megan Young, at Rayver Cruz sa isang te­leserye at sobrang gaan silang makatrabaho.

“Like kay Megan, meron kaming mga pagkakapareho, like sa mga gamit. Kumbaga, siyempre Miss World, ‘di ba, expected natin diyan, medyo ganu’n, pero nagulat ako, ‘Talaga, Megan,’ sabi ko, ‘Bumibili ka ng mga ganyan?’

“Meron akong nakitang pagkakapareho namin, sobrang simpleng babae, sobrang simpleng babae niya talaga.”

Si Kris naman ay isa sa mga aktres na iniidolo ni Kim.

Kahit may sakit raw ito, talagang nagwo-work siya!

Kahit nilalagnat na, kahit wala nang boses, nagna-Naomi pa raw ito. Sobrang professional, sobrang hardworking.

Si Rayver naman, very gentleman tapos makulit at kuwela. Pareho sila ng kapatid niyang si Rodjun.

Naging guest raw si Rodjun Cruz sa HSDNBK bilang si Ben na asawa ni Katya (Kim).

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

Comments are closed.