(Muling aarangkada sa iba’t ibang bahagi ng bansa) SERVICE CONTRACTING PROGRAM

MAHIGIT 40 milyong  pasahero sa buong bansa ang naserbisyuhan ng Service Contracting Program Phase 3 simula April 11 hanggang May 16, 2022.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), aarangkada ulit  ang naturang programa sa ikatlong pagkakataon sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Nagbukas din ang rutang PITX-NLET at Cubao-NLET para naman sa mga pasahero na patungo at palabas ng Metro Manila na mula sa Region 1, Region 2, Region 3 at CAR.

Habang inaasahan naman ang pagbubukas ng mga karagdagang ruta at pag-arangkada ng mga karagdagang PUV units para naman sa libreng sakay.

Layunin ng naturang programa na matulungan ang mga operator at drivers na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa COVID-19 pandemic at sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo. DWIZ 822