MULING PAGBUBUKAS NG EKONOMIYA SA GITNA NG PANDEMYA

JOE_S_TAKE

KAMAKAILAN ay inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bagong datos nito ukol sa antas ng mga walang trabaho sa bansa. Ayon sa datos nito noong ika-8 ng Hunyo, umakyat sa 8.7% noong April 2021 ang antas ng mga walang trabaho sa bansa mula sa antas na 7.1% noong buwan ng Marso 2021. Ito ay nangangahulugan na mula sa bilang na 3.1 milyong Filipino na walang trabaho sa kasalukuyan, ito ay umangat pa sa bilang na 4.14 milyon. Ang pagtaas ay iniugnay sa muling pagpapatupad ng mahigpit na quarantine sa Metro Manila matapos muling tumaas ang bilang ng kaso ng COVID-19 dito.

Kaugnay nito ay ipinahayag ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III na dapat na muling buksan ang mga negosyo sa bansa bilang tugon sa pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa.

Ayon kay Bello, kaisa ng mga nangangasiwa sa ekonomiya ng bansa ang DOLE sa ligtas at muling panunumbalik ng operasyon ng mga negosyo sa bansa. Dagdag pa niya na ito lamang ang tanging paraan upang mapanatili at maipagpatuloy ang pagbangon ng ekonomiya.

Naniniwala rin si Bello na bubuti ang sitwasyon ukol sa pagtaas ng antas ng walang trabaho sa bansa bilang resulta ng pamamahagi ng bakuna ng pamahalaan lalo na’t kabilang ang mga manggagawang Filipino sa kategoryang A4. Hinihimok ni Bello ang mga manggagawang Filipino na magpabakuna sa lalong madaling panahon.

Ayon sa ulat ng National Economic and Development Authority (NEDA) noong nakaraang buwan, bagaman  bumuti nang bahagya ang antas ng walang trabaho sa bansa, nananatili ang Filipinas bilang may pinakamataas na antas ng walang trabaho kung ikukumpara sa mga bansa sa Asya na nakitaan ng paglago ng ekonomiya bago ang pandemya.

Binigyang-diin ng NEDA na mahalagang makamit ng bansa ang herd immunity sa pamamagitan ng pagpapabakuna upang muling mabuksan ang ekonomiya ng bansa. Mahalagang maipamahagi agad ang bakuna sa mga mga indibidwal na high risk at sa mga economic frontliner o yaong kabilang sa kategoryang A4 gaya ng nabanggit ng DOLE.

Ayon sa ulat ng National Task Force (NTF) noong ika-8 ng Hunyo, nasa 6 milyong Filipino na ang nabibigyan ng bakuna sa bansa. Sa kabuuang bilang na ito, 4,491,948 ang nakatanggap ng unang dosis habang 1,604,260 ang bilang ng indibidwal ang nakakumpleto ng bakuna matapos matanggap ang ikalawang dosis nito.

Ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., nasa 11 milyong dosis ng bakuna ang inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan ng Hunyo. 12 milyong dosis ng bakuna ang inaasahang papasok sa Hulyo, at 17 milyong dosis naman sa Agosto.

Noong ika-10 ng Hunyo ay  dumating sa bansa ang 3.27 milyong dosis ng bakuna. Ito ang naitalang pinakamalaking shipment ng bakuna na natanggap ng bansa sa loob ng isang araw. Ang mga bakuna ay mula sa Sinovac at sa Pfizer.

Ayon sa NTF, panibagong batch ng dosis ng bakuna mula Sinovac na may bilang na 1 milyon ang dumating sa bansa noong umaga ng ika-10 ng Hunyo. Ito ang ikalawang batch ng dosis na binili ng pamahalaan mula sa Sinovac.

Sa parehong araw ay dumating din ang halos 2.28 milyong dosis ng bakuna mula sa Pfizer. Ito rin ang ikalawang batch ng dosis mula sa nasabing parmasyutikal na kompanya. Ang unang batch ng dosis ay may bilang na 193,050. Ayon kay Galvez, ang mga dosis ng bakuna mula sa Pfizer ay para sa mga indibidwal na kabilang sa mga kategoryang A1, A2, at A3.

Ayon kay Galvez, bagaman pansamantalang nakaranas ng pagkaantala sa pamamahagi ng bakuna ang ilang vaccination site, maaasahang magbabalik sa normal ang operasyon ng mga ito sa ika-14 ng Hunyo bilang resulta ng pagdating ng mga karagdagang supply ng dosis ng mga bakuna.

Kasabay ng pagpapatuloy ng programa ng bansa ukol sa bakuna, kailangang makahanap ang mga industriya ng paraan upang makapagpatuloy sa operasyon sa ligtas na paraan. Makatutulong din ito sa pagtugon sa pagtaas ng antas ng walang trabaho sa bansa. Isang patunay na posible ito ay ang industriya ng pagmamanupaktura.

Ayon kay Trade Secretary and Board of Investments (BOI) chairperson Ramon Lopez, sa kabila ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) noong Marso at Modified ECQ (MECQ) noong Abril, siniguro nilang patuloy ang operasyon ng nasabing industriya. Ang mga lockdown ay nilimitahan nila sa mga sektor na maituturing na non-essential.

Bilang resulta ng istratehiyang ito ng industriya ng pagmamanupaktura, nakitaan ng pagbuti ang sitwasyon nito noong Abril 2021. Ayon kay Lopez, ang capacity utilization ng industriya ay umakyat sa 63.6% mula sa 63% noong Marso. Inaasahang magpapatuloy pa ang pagbuti nito sa mga susunod na buwan.

Ayon sa datos ng PSA tumaas ng 162.1% ang factory output ng industriya para sa buwan ng Abril 2021. Kinontra ng paglagong ito ang pagbaba na 73.3% noong buwan ng Marso. Lubhang malaki rin ang pagbabagong ito kumpara sa pagbabang 64.8% noong Abril ng nakaraang taon.

Naging malaking tulong dito ang patuloy na pagtaas ng mga order mula sa ibang bansa bilang resulta ng pagbuti ng sitwasyon at pagluwag ng mga dating mahigpit na panuntunan. Ang pagbuting ito sa sitwasyon ay iniuugnay sa programang pagpapabakuna ng mga bansa.

Nawa’y panundan natin ang istratehiya ng mga industriya gaya ng industriya ng pagmamanupaktura na namamayagpag at nakababangon sa kabila ng pandemyang ito. Malaki talaga ang bahaging ginagampanan ng bakuna sa kasalukuyan. Lubos ang aking tiwala na patuloy na bubuti ang ating sitwasyon lalo pa’t ayon sa DOH, inaasahang 10 milyong bakuna kada buwan ang papasok sa bansa  sa ikatlong yugto ng taong 2021.

134 thoughts on “MULING PAGBUBUKAS NG EKONOMIYA SA GITNA NG PANDEMYA”

  1. Read information now. Everything what you want to know about pills.
    ivermectin 3 mg
    Best and news about drug. drug information and news for professionals and consumers.

  2. Actual trends of drug. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    https://stromectolst.com/# stromectol australia
    drug information and news for professionals and consumers. Get warning information here.

  3. drug information and news for professionals and consumers. Drugs information sheet.
    ivermectin 90 mg
    Everything about medicine. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  4. What side effects can this medication cause? Read now.
    stromectol 0.5 mg
    Definitive journal of drugs and therapeutics. drug information and news for professionals and consumers.

  5. Commonly Used Drugs Charts. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    buy ivermectin pills
    Prescription Drug Information, Interactions & Side. Commonly Used Drugs Charts.

  6. Definitive journal of drugs and therapeutics. Get information now.
    https://mobic.store/# where buy mobic pill
    Definitive journal of drugs and therapeutics. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  7. Some are medicines that help people when doctors prescribe. What side effects can this medication cause?
    https://finasteridest.com/ can you buy generic propecia without rx
    Everything information about medication. Drug information.

  8. Everything what you want to know about pills. Everything what you want to know about pills.
    https://finasteridest.com/ where to get generic propecia without dr prescription
    Everything information about medication. All trends of medicament.

  9. Read information now. Comprehensive side effect and adverse reaction information.
    ed pills gnc
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Read here.

  10. drug information and news for professionals and consumers. Read information now.
    https://edonlinefast.com ed medications online
    safe and effective drugs are available. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  11. Everything what you want to know about pills. Get warning information here.
    https://canadianfast.com/# tadalafil without a doctor’s prescription
    safe and effective drugs are available. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

Comments are closed.