MULING PAGPAPALAWIG SA ML MAAGA PA – AFP

Edgard Arevalo

CAMP AGUINALDO – PARA sa Armed Forces of the Philippines (AFP) dapat na araling mabuti at tingnan kung na-rarapat bago magdeklara ng pagpapalawig muli sa martial law sa Mindanao.

Sa isang panayam, sinasabing masyado pang maaga para magsalita hinggil sa nasabing pagpapatupad ng batas dahil may dapat pang pag-aralan.

Ginawa ang pahayag nang matanong ang AFP kasunod sa mga naitalang pagsabog partikular sa probin siya ng Sulu.

Ayon kay AFP Spokesperson BGen. Edgard Arevalo, malaking tulong ang umiiral na batas militar sa pagpapanatili ng peace and order.

Dagdag pa ni Arevalo, kahit umiiral ang Martial Law sa Mindanao ay may mga pagsabog nang naitala, paano na lamang kung walang umiiral na batas militar.

Subalit dahil sa mga naitatalang karahasan, palalakasin pa ng militar ang kanilang puwersa sa Mindanao.

Ang Martial Law ay magtatapos sa Disyembre 31, 2019.

Sinabi ni Arevalo nakadepende pa rin kay Pangulong Rodrigo Duterte  kung kaniya pa itong palalawigin o hindi na. EUNICE C.

Comments are closed.