MULTA SA MANILA WATER PAKIKINABANGAN NG MGA KONSYUMER – KOKO

Senador Aquilino Pimentel III

NANINIWALA  si Senate Trade and Commerce Committee Chair Aquilino “Koko” Pimentel III na malaking pakinabang para sa lahat ng mga konsyumer ang ipinataw na P1.134 bilyong multa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Board sa Manila Water Company, Inc. dahil pinatunayan ng pamahalaan na gagawin nito ang lahat para panagutin ang public utility providers na mabibigong tuparin ang obligasyon sa kanilang mga kostumer.

“I believe that the government sent a very clear signal, not just to water service providers, but all those who provide public utilities, that it will not stand idly by when consumers suffer from the mismanagement and lack of foresight of companies like Manila Water,” sabi ng senador mula Mindanao.

“Malinaw na ang mensahe rito: ‘di na puwede ang ‘just-tiis,’ because our people demand justice—and that was what was meted out in the sanctions imposed by MWSS,” giit pa ng mambabatas.

Ipinabatid ng MWSS noong Miyerkoles na papatawan nila ng multang aabot sa P1.134 bilyon  ang naturang kompanya  bilang parusa sa nangyaring krisis sa tubig noong Marso sa mga lugar na pinagseserbisyohan ng nasabing water concessionaire.

Nabuo ang halaga mula sa P534.05 milyong multa dagdag pa ang P600 milyon para naman sa pondong nakalaan sa pagpapaunlad ng bagong pagkukuhanan ng suplay ng tubig.

Pinuri rin ng PDP-Laban President ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibigay nito ng malinaw na atas sa MWSS kung paano dedesisyunan ang isyu.

“The President made it abundantly clear that those responsible should be held accountable, and that is what happened here,” ani Pimentel.

Sa isang pahayag, ipinarating ni Manila Water President Ferdinand M. dela Cruz na susunod sila sa desisyon ng MWSS na bayaran ang nasabing multa.

Ipinahayag ang pagpataw ng multa nina MWSS Chairman Franklin J. Demonteverde at Administrator Reynaldo V. Velasco, na sinabing isang malaking eye-opener ang naganap na kakulangan sa suplay ng tubig.

“We are on a catch up mode and it’s only this administration under President Rodrigo Duterte that we have seriously put on track a realistic and doable water security roadmap to ensure adequate water supply,” wika ni Velasco.

Comments are closed.