MULTI-AWARDED ACTRESS TERESA LOYZAGA DIREKTOR NA

direk line

PAGKATAPOS ng matagumpay na pelikulanga Minsa’y Isang Alitaptap, naisip ng mga kaibigan ni Teresa Loyzaga sa Perth, Australia na mag-produce ng movie tungkol sa buhay ng mga Pilipino sa tinatawag nilang Down Under.

At dahil maugong doon na nabigyan ng dalawang Best Actress awards si Tong (palayaw ni Teresa sa mga close niyang kaibigan), nais nilang kaming dalawa ni Tong ang mag-direct sa pelikulang “ Nang Minsang Kumaway Ang Tadhana”  (tentative title). Ito ang magiging unang directorial job ni Teresa.

Syempre, kasama sa pelikulang ito ang anak niyang si Diego Loyzaga at iba pang mga kaibigan ng aktres tulad nina Maureen Mauricio, Dexter Doria, Toni Co at iba pa. Excited si Tong sa project  na ito kaya anytime, lilipad na kami patungong Perth. Kapag okay na ang sitwasyon natin sa Covid, mauumpisahan na ang pelikula. Si Art Soriano ang mamahala sa proyektong ito, isa sa mga matalik na kaibigan ni Teresa.

By the way, nanalo rin si Tong as Best Actress sa Star Hollywood Awards sa California, USA at sa World Film Carnival sa Singapore.

 

 

MOHAIRA SANAMA SUSUNOD SA YAPAK NI SNOOKY SERNA

Bata pa ang artistang si Mohaira Sanama pero mukhang dalaga, at madalas kasali sa mga beauty pageants. Minsan nga, tinatalo pa niya ang mga high school at college students sa isang patimpalak ng kagandahan Tagum City Davao.

Unang sabak nya sa pelikula ang “Ang Tatay Kong Nanay” na isang lead role agad. Estudyante ko si Moi (tawag sa kanya) sa aking online acting workshop at nakita ko ang potensyal nya acting.

Na-impressed ako sa ipinakita niyang acting talent. Simple lang, hindi trying hard pero maganda ang delivery, kaya hindi kataka-takang manalo siyang Best Child actress sa mga international film festivals tulad ng Port Blair International Film Festival, Uruvatti International Film Festival, Indo Singapore International Film Festival, Gona Film Awards, Golden Sparrow International Film Festival at Wonderland International Film Festival sa Australia.

Nakikita ko sa kanya si Snooky Serna noong kabataan nya. Maganda, simple, pero bongga kapag isinalang sa camera. At big plus sa batang ito ay ang kanyang determinasyon sa pag-arte.

After 2022 polls, isang Visayan solo film ang gagawin ni Mohaira – ang “Kabilin” na tungkol sa mga natibo sa Mindanao.