MULTIPLE-ENTRY VISA SA OFWs SA TAIWAN

PINAYAGAN na ng Taiwan ang multiple-entry visa para sa mga dayuhang manggagawa, kabilang ang overseas Filipino workers (OFWs) na nakabase roon.

Batay sa report ng Migrant Workers Office sa Kaohsiung, sinabi ng Manila Economic and Cultural Office (MECO) na mahigit sa 150,000 OFWs ang maaaring  mag-apply sa naturang visa.

Ayon sa MECO, ang bagong polisiya ay epektibo na ngayong buwan.

We are very pleased with this latest development that will ease the burden on our OFWs,” wika ni MECO chairman Silvestre Bello III. “This means savings in terms of time and money in the processing of travel documents to Taiwan for our workers.

Maaaring bumiyahe sa nasabing teritoryo ang sino mang may hawak ng multiple-entry visa ng ilang beses habang epektibo ang visa.

Paalala naman ng MECO sa OFWs na aalis ng Taiwan para magbakasyon na ipaalam sa kanilang manpower agencies, tatlong linggo bago ang kanilang biyahe para maasikaso ang kanilang resident certificate at mabigyan sila ng multiple-entry visa.