NAGPALABAS ang ilang ahensiya ng pamahalaan ng isang joint advisory na humihikayat sa local government units na luwagan ang curfew hours at business firms upang magpatupad ng multiple at staggered work shifts para buksan pa ang ekonomiya.
Nakasaad sa Joint Advisory No. 20-01 ng tatlong ahensiya na ipinalabas kahapon na, “Business establishments are enjoined to adopt multiple and staggered work shifts (workers are to be allowed to adopt work shift schedule starting at e.g., 7 a.m., 8 a.m., 9 a.m., and so on) to allow more workers to report to work but still maintaining the physical distancing requirements, to spread out the congestion on our roads, and to ease the demand for public transportation.”
Ang joint advisory ay bahagi ng ilang hakbang na naglalayong muling pasiglahin ang ekonomiya na labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Binanggit din ng advisory ang pagluluwag sa curfew hours mula sa kasalukuyang 10 p.m. hanggang 5 a.m., sa 12 a.m. hanggang 4 a.m. na ipatutupad sa lahat ng lugar sa Metro Manila maliban sa Navotas City.
Ang mas maikling curfew ay binanggit ni Metro Manila Council (MMC) chair at Parañaque Mayor Edwin Olivarez noong nakaraang linggo, at sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na ang naturang panukala ay aprubado na ‘in principle’ ng Inter-Agency Task Force dahil ang suhestiyon ay nagmula sa Cabinet secretaries.
Comments are closed.