AGUSAN DEL SUR – ISANG aktibong konsehal ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police- Police Regional Office Region 13 (PRO-13), nang mahulihan ng droga kahapon ng madaling araw.
Iniutos ng PNP-PRO 13 na isalang din sa drug test si alyas Roni, 50-anyos, ng Buenavista, Agusan del Norte makaraang ma-hulihan ito ng may 22.4 gramo ng shabu sa counter illegal drug operation ng mga pulis.
Aabot sa P270,000 ang halaga ng shabu na nakumpiska sa bahay ng konsehal na nakasilid sa dalawang malalaking sachets.
Ayon kay Police Col. Christian Rafols, tagapagsalita ng Police Regional Office Region 13 (PRO-13), ang raid ay isinagawa da-kong alas-2:40 kahapon ng madaling araw ng mga tauhan ng Buenavista Municipal Police Station, Agusan del Norte Provincial Intelligence Branch, Agusan del Norte Provincial Mobile Force Company at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Caraga.
Kasong illegal possession of firearms ang isasampang kaso laban sa suspek sa pamamagitan ng inquest proceedings.
Agad na iniutos na ipasuri sa PNP Crime Laboratory ang mga hinihinalang shabu na nakumpiska sa bahay ng nasabing local official habang ikinakasa ang kasong isasampa rito. VERLIN RUIZ