MUNICIPAL COUNCILOR TODAS SA BUY BUST

patay

MAGUINDANAO – KAMATAYAN ang sinapit ng isang municipal councilor na sinasabing high-value target sa drug trade matapos manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA-BARMM, Phil. Marines at pulisya sa Purveyors, Barangay Rosary Heights 11, Cotabato City noong Linggo ng hapon.

Naisugod pa sa pagamutan subalit idineklarang patay si Councilor Jaymar Baraguir Nandang ng Northern Kabuntalan sa Maguindanao.

Ayon kay PDEA-BARMM Regional Director Juvenal Azurin, si Nandang ay tinaguriang high-value target sa drug trade sa kanilang bayan.

Base sa ulat,  isinailalim sa buy bust operation si Nandang subalit nakatunog na isang PDEA agent ang kanyang ka-deal kaya ito nanlaban at nagpaputok ng baril na nauwi sa kanyang pagkamatay.

Narekober sa suspek ang 20 gramo na  shabu na may street value na P136,000, isang cal. 45 pistol, magazine assembly, live ammunitions at buy bust money ña P40, 000. MHAR BASCO

Comments are closed.