CAGAYAN — KALABOSO ang 52-anyos na municipal engineer makaraang madiskubre ng mga awtoridad na pag-aari nito ang mga putol putol na troso na nakasalansan sa gilid ng Pamplona river sa nasabing lalawigan noong Miyerkules.
Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 705 o Anti- Illegal Logging ang suspect na si Felicimo Bilas ng Brgy. Allasitan, Pamplona, Cagayan.
Base sa police report na nakarating kay Cagayan Valley police director Brig. Gen. Crizaldo Nieves, nagsasagawa ng anti-criminality operations ang operatiba ng Pamplona Police sa pamumuno ni Capt. Marlou U. Del Castilo katuwang ang grupo ng 2nd Provincial Mobile Force Company nang madiskubre ang mga nakalutang na troso nasabing ilog.
Dumating si Bilas sa nasabing lugar upang sabihin sa ng mga operatiba na pag-aari nito ang mga hardwood subalit wala namang maipakitang anumang dokumento na awtorisado siyang ipunin ang may 1,000 board feet na cut lumber na Tanguile.
Dahil dito, binitbit ng pulisya si Bilas kasama ang 1000 hardwood para gamiting ebidensiya sa pagsasampa ng kasong illegal logging sa municipal prosecutor’s office. MHAR BASCO
Comments are closed.