MURANG BIGAS SA 400 SUPERMARKETS

BIGAS

MAHIGIT sa 400 supermarkets sa buong bansa ang nagbebenta ng murang bigas sa ilalim ng  “Presyong Riso­nable Dapat” (PRD) ­program ng pamahalaan, ayon sa  Department of Trade and Industry (DTI).

Batay sa report, ang nasabing mga supermarket ay nagbebenta ng imported na bigas mula sa Vietnam sa halagang P35 kada ki-lo.

Sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na makaaasa pa ang mga Pinoy ng mas mababang presyo kasunod na pag-apruba sa Rice Tariffication Law, na nagpapataw ng taripa kapalit ng import limits sa butil.

“As more of these importers will come in, chances are puwede pang bumaba from P30 ro P32, depende sa magiging importa-tion cost nila,” wika ni Lopez.

Paliwanag ng kalihim, ang batas kalaunan ay mag-aalis na sa  suggested retail price (SRP) sa bigas.

“’Pag dumami na ang P34, P35, you don’t need an SRP already. You remember, dati, wala talagang SRP sa rice but nang nagkaroon ng pagtataas sa presyo, we tried to put an SRP as a guide to many retailers,” aniya.

Comments are closed.