“MURDERER” ARESTADO SA CIDG

arestado

BULACAN – MAKALIPAS ang halos isang dekadang pagtatago sa batas nadakip na ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)  Bulacan ang national most wanted.

Kinilala ni P/Major Rito I. Sebuala ang nadakip na suspek na si Renato Marasigan Jr., 37, ng Brgy. Matabungkay, Lian, Batangas.

Dinakip si Marasigan, Jr. sa Purok 9, Brgy. Libertad, Butuan City sa pamamagitan ng 4 na warrant of arrest sa kasong murder, 2 frustrated murder at isang attempted homicide na naganap noong 2008 na inilabas ni Hon. Executive and Presiding Judge Wilfredo de La Joya ng Branch 14 ng RTC Nasugbo, Batangas.

Samantala, bagama’t nagpaunlak ng interview, hindi niya tuwirang inamin ang naganap na pamamaril at pagpatay sa kanyang kamag-anak, sa halip sinabi nito na abugado na lang niya ang sasagot sa naturang akusasyon.

Bukod dito may patong din sa kanyang ulo  ang suspek na nagkakahalaga ng P140,000. THONY ARCENAL