‘MUST WIN’ SA ACES, BATANG PIER

PBA Philippine Cup

Mga laro ngayon:

(Araneta Coliseum)

 4:30 p.m. – Alaska vs NorthPort

 7 p.m. – Ginebra vs Meralco

MALALAMAN  ang kapalaran ng Alaska, NorthPort at Meralco sa  kanilang quarterfinal campaign sa penultimate day ng PBA Philippine Cup eliminations ngayon sa Araneta Coliseum.

Maghaharap ang Aces at Batang Pier sa alas-4:30 ng hapon habang sasagupain ng Bolts ang No. 5 at qualifier nang Barangay Ginebra sa alas-7 ng gabi.

Tiyak na magpapakamatay at hindi makapapayag  ang Alaska, NorthPort at Meralco na matalo dahil kung mabibigo ay mapapaaga ang kanilang bakasyon.

Papasok ang Aces at Batang Pier na dala  ang panalo habang ang Meralco ay galing sa talo sa Alaska, 72-94,  upang bumagsak  sa 3-7 marka.

Nakuha ng Phoenix (9-2) at Rain or Shine (8-3) ang top two na may kaakibat na twice to beat advantage dahil natalo ang Talk ‘N Text sa NorthPort, 83-109, para bumagsak sa ikatlong puwesto sa  7-4 kasosyo ang defending champion San Miguel Beer.

May 4-6 record ang Alaska kasosyo ang NLEX at  hawak ng NorthPort ang 3-6 marka  at kailangang ipa­nalo ng Batang Pier ang dalawa nilang natitirang laro kontra Alaska at reigning Governors’  Cup champion Magnolia sa huling araw ng eliminations sa April 3 sa Big Dome

Walang nakalalamang sa laro ng Alaska at NorthPort at ang kanilang panalo ay nakasalalay sa performance na kanilang mga player.

Pangungunahan nina Chris Banchero, Jeron Teng, Kevin Racal, Carl Bryan Cruz, Chris Exciminiano, Simon Enciso at Sonny Thoss ang opensiba ng Alaska at tatapatan sila ng mga bata ni coach Pido Jarencio, sa pangunguna nina Stanley Pringle, Sean An-thony, Paolo Taha, Jonathan Grey, Juan Nicolas Elorde, Bradwyn  Guinto, at rookie Robert Bolick.

Walang mawawala sa Barangay Ginebra kundi ang prestige dahil pasok na ang Kings sa quarterfinals samantalang ang Meralco ay do-or-die’ ang laro at tiyak na gagawin ni coach Norman Black ang lahat para manalo ang kanyang koponan.     CLYDE MARIANO