‘MUST WIN’ SA LADY MAROONS

Lady Maroons

Standings

W        L

Women

*Ateneo              10     1

DLSU     8     3

UST                        7     4

FEU                        7     4

UP                          6     5

NU                         3     8

UE                          2     9

AdU                       1     10

*semifinalist

Mga laro ngayon:

(Filoil Flying V Centre)

8 a.m. – AdU vs UE (Men)

10 a.m. – UST vs Ateneo (Men)

2 p.m. – NU vs FEU (Women)

4 p.m. – UST vs UP (Women)

HAHARAPIN ng University of the Philippines ang University of Santo Tomas sa virtual do-or-die match na posibleng maging ‘turning point’ sa kampanya nito sa UAAP Season 81 women’s volleyball tournament ngayon sa Filoil Flying V Centre.

Isang laro ang agwat sa coveted No. 4 slot na may 6-5 kartada, ang pagkatalo sa kanilang 4 p.m. duel sa Tigresses ay maglalagay sa ‘Final Four’ aspirations ng Lady Maroons sa balag ng alanganin.

Ang UST ay kasalukuyang tabla sa Far Eastern University, na makakasagupa ang also-ran National University sa unang laro sa alas-2 ng hapon, sa third place na may 7-4 record.

Ang panalo ng Tigresses at Lady Tamaraws ay hindi lamang magpapalakas sa kanilang semifinals kundi maglalapit din sa kanila sa defending champion De La Salle sa karera para sa ikalawang ‘twice-to-beat’ incentive.

Tangan ng Lady Spikers, makakabangga ang early semifinalist Ateneo sa kanilang rivalry game sa Sabado, ang 8-3 marka sa No. 2 spot.

Ang UP ay galing sa 21-25, 25-19, 23-25, 22-25 pagkatalo sa FEU noong nakaraang Sabado para manatili ang Diliman-based squad sa labas ng top four range.

Umaasa na lamang ang Lady Maroons na lubusan nang gumaling si Isa Molde, na naglaro sa limitadong minuto sa kanilang huling laro, para makabalik sa winning track.

Sa men’s matches na magsisi­mula sa alas-8 ng umaga, sisikapin ng Adam­son University at Ateneo na makumpleto ang ‘Final Four’ cast sa pakikipagtipan sa UE at UST, ayon sa pagkakasunod.