FOUR years ago pa nang huling gumawa ng teleserye ang mahusay na actress na si Mylene Dizon sa GMA Network, sa “Once Upon A Kiss.” Kaya thankful siya na sa pagbalik niya sa GMA, ang makakasama rin niya ay ang mga bida ng last serye niya, sina Bianca Umali at Miguel Tanfelix sa “Sahaya.”
“Naging deciding factor ko para tanggapin ang project is the concept itself,” sabi ni Mylene. “Para sa akin, different role ito sa mga nagawa ko na, the whole thing is a challenge, kaya hindi ako tumangging gawin ito. Isa pa nga ay itong dalawang mahuhusay na young actors ang muli kong makakasama.”
Si Mylene ay si Manisan, a Badjaw who fell for Howard, na unang ginampanan ni Jasmine Curtis Smith ang young Manisan. Pinalaki niyang mag-isa si Sahaya matapos silang iwan ng ama nito na ayaw siyang pakasalan dahil hindi raw siya Badjaw. Hindi niya pinabayaan si Sahaya at pinalaking matapang pero may mabuting kalooban.
After the mediacon, hindi nakaiwas si Mylene sa tanong ng media dahil nasa GMA na rin si John Estrada, na sabi’y may hindi sila pagkakaunawaan noong ginawa nila ang “The Good Son.” Papayag daw ba siyang magkasama sila muli ni John? Mabilis ni-yang sinagot na wala siyang balak makasama muli si John.
“Saka, hanggang dito lamang ako sa “Sahaya.” Wala pa akong alam kung may susunod pa akong project na gagawin dito sa GMA. Ganoon naman ako, hindi ako nag-i-straight ng work. May time na two years akong hindi nag-work. Priority ko rin kasi ang mga anak ko, ako kasi ang nag-aalaga at sumusubaybay sa kanila. Iyon, kapag may magandang project na ini-offer sa akin, saka lamang ako muli gumagawa ng serye or movie. So, as I have said, naka-focus muna ako sa “Sahaya.”
Directed by Zig Dulay, ang “Sahaya” ay may world premiere kahapon, Monday, March 18, sa primetime block ng GMA, pagkatapos ng “Kara Mia.”
WINWYN MARQUEZ TINULDUKAN NA ANG PAGSALI SA BEAUTY PAGEANT
TINULDUKAN na ng unang Filipino Hispanoamericana beauty queen, Teresita Ssen, Winwyn Marquez ang pagsali sa mga beauty pageant.
Ilang buwan din palang pinag-isipan ni Winwyn, kung itutuloy niya ang muling pagsali sa beauty pageant this year, sa Binibin-ing Pilipinas. Marami kasing nag-encourage sa kanya na muli siyang sumali at naniniwala silang masusungkit na niya ang said title na hindi niya napanalunan nang una siyang mag-join nito.
Pero nag-decide na nga rin si Wyn na huwag nang tumuloy dahil sa work commitments niya at may mga upcoming project na siyang gagawin. May exclusive contract kasi si Wyn sa GMA Network at mayroon din siyang contract sa Regal Entertainmnet, Inc. Ipinaabot niya ang pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng mga encouraging message sa kanya.
“Binibining Pilipinas has strict rules that you cannot have existing contracts when joining. There will always be a part of me that wants to compete in the pageant setting, at masakit din sa akin na hindi ako makakasali pero alam ko na hindi puwedeng sabay-sabay ang lahat ng bagay,” post ni Wyn sa kanyang Instagram wall. “I know that God will bring me where I should be and I will always and forever be proud to be one of your Miss Philippines.”