UGALI ni Mylene Dizon ang maging close siya sa mga young actor na kanyang nakakasama. Sa teleseryeng Sahaya, kapuna-puna ang closeness niya kina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, pero aminado siyang she’s a lot closer to Bianca.
“Silang dalawa ni Miguel, gustong-gusto ko,” she openly said when interviewed at the presscon of the Cinemalaya entry Belle Douleur.
“They really think about their work. Hindi sila yung pariwara sa trabaho nila. Hindi nila pinababayaan ang kanilang trabaho… their responsibility sa trabaho nila.”
Even if she’s working right now with GMA-7, her closeness to the Kapamilya young stars Julia Montes, Kathryn Bernardo, Julia Barretto and Joshua Garcia have remained constant and close.
When asked about Julia’s rumored pregnancy, she was non-committal.
But if ever the news about Julia is true, she would be the first one to be happy.
Nang hingan naman ng reaction about the Joshua Garcia and Julia Barretto parting of ways, she only smiled enigmatically. Closer raw siya with Joshua since naging anak niya ito sa teleseryeng The Good Son.
Sa gitna ng isyu nito with Julia Barretto, ang bukod tanging maipapayo raw niya kay Joshua ay ang maging matatag at manalig at magtiwala sa kanyang sarili.
Ang pelikula nga palang Belle Douleur na dinirek ni Atty. Joji Alonzo at leading man niya si Kit Thompson ang pinalabas sa gala premiere ng Cinemalaya 2019 last August 2. Mapanonood naman ito sa mga sinehan on August 14.
Tumatalakay ang pelikula sa May-December affair kung saan mas matanda ang babae kaysa sa lalake.
Sa movie, 20 years ang gap nila ng kanyang leading man but in real life, she is older by 25 years to Kit.
In real life, once lang daw siya na-involve sa isang higit na batang lalake (she’s five years older) tulad ni Paolo Paraiso kung saan nagkaroon siya ng dalawang anak.
Sa ngayon, she is involved with Jason Webb who is one year older.
DENNIS TRILLO AT JERALD NAPOLES NAGBIGAY
NG OPINYON TUNGKOL SA GHOSTING
NATANONG ng press sa bida ng pelikulang Mina-Anud na si Dennis Trillo kung ano ang paboritong bonding nila ng kanyang girlfriend na si Jennylyn Mercado.
Sabi ni Dennis, occasionally ay nagsu-surfing sila ni Jennylyn. Out of the blue, may biglang nagpatanong kung nagawa ba niyang i-ghosting si Jennylyn noon.
Dennis is not aware of the meaning of the word that’s why it was his co-star Jerald Napoles who answered on his behalf.
Anyway, aminado si Jerald na nagawa na raw niya ito minsan sa rati niyang karelasyon.
“Sa tingin ko, ‘pag bata ka pa… ewan ko kung ganito rin ang nangyari kay…hindi ko na babanggitin ang pangalan niya, oo, sa katukayo ko.
“Kasi, ‘pag bata ka pa, ‘tapos ‘pag nabaligtad na ‘yung pakiramdam mo at ang desisyon mo sa buhay, at hindi mo alam ‘yung gagawin, parang na-shut down mo na lang, ‘tapos meron ka na lang na ‘bahala na kung magalit siya, lilipas rin ‘yan.’
“Minsan, may ganu’ng feeling ako.”
Hindi sinasabi ni Jerald na tama yun, pero yun lang daw kasi ang kanyang nararamdaman nung minsang nagawa niyang i-ghosting ang dating karelasyon.
Palagay raw niya ay ganu’n ang nararamdaman ng nag-ghosting. Hindi niya kayang makumpronta ‘yung galit, at kung ano ‘yung ibibigay sa kanya ng bulkan.
But he was quick to add that he would never do it to her girlfriend, the stage actress/comedienne Kim Molina.
Five years na silang magkasintahan at seryoso na raw sila sa kanilang relasyon.
Anyhow, Dennis Trillo’s point of view is a lot different. Never raw niya itong magagawa, lalo na sa present girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.
“Parang hindi kasi puwedeng mangyari yun sa isang seryosong relasyon,” he asseverated. “Para sa akin, hindi puwedeng hindi pa alam na break na pala kayo, na ikaw lang ang nakaaalam.
“Ayoko kasing mangyari iyan sa akin, kaya ayoko ring gawin sa isang tao. Ako kasi ang tao na ayokong nakasasakit ng loob sa isang tao, e, sa kapwa.
“Kaya siguro hindi ko alam ‘yun at ngayon ko lang narinig ‘yung term na ‘yun,” he ventured.
Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.