INIHAYAG na ng Film Academy of the Philippines (FAP) sa pakikipagtulungan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang mga nominado sa 37th edition ng Luna Awards.
Idaraos ang nominees’ night sa Nobyembre 20 samantalang ang awards Night ay gaganapin sa Nobyembre 30, Sabado, sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.
Nakakuha ng tig-siyam ng nominasyon ang Signal Rock ni Chito Roño, at Liway ni Kip Oebanda. Tigwalo naman ang nominasyon ng Buy Bust ni Erik Matti at ang Goyo: Ang Batang Heneral ni Jerrold Tarog.
Ligwak sa Best Actress category sina Kathryn Bernardo (The Hows of Us) at Nadine Lustre (Ulan).
Ang mga nominadong Best Actress ay sina Angelica Panganiban (Exes Baggage), Glaiza de Castro (Liway), Ai-Ai delas Alas (School Service), Anne Curtis (Sid & Aya: Not A Love Story), at Agot Isidro (Changing Partners).
Ang mga nominadong Best Actor ay sina Eddie Garcia (Rainbow’s Sunset), Christian Bables (Signal Rock), Nicco Manalo (Gusto Kita with All My Hypothalamus), Daniel Padilla (The Hows of Us), at Dingdong Dantes (Sid & Aya: Not A Love Story).
Ang mga nominadong Best Supporting Actress ay sina Aiko Melendez (Rainbow’s Sunset), Daria Ramirez (Signal Rock), Max Collins (Citizen Jake), Nova Villa (Miss Granny), at Sunshine Dizon (Rainbow’s Sunset).
Ang mga nominadong Best Supporting Actor ay sina Arjo Atayde (Buy Bust), Soliman Cruz (Liway), Carlo Aquino (Goyo: Ang Batang Heneral), Epy Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral), at Mon Confiado (Signal Rock).
Bibigyan din ng tribute ang mga yumaong direktor na sina Wenn Deramas at Soxie Topacio na pagkakalooban ng Lamberto Avellana Memorial Award.
May special award din kay Nova Villa para sa Manuel de Leon Exemplary Award, at kay Mother Lily Monteverde para sa Fernando Poe Jr. (FPJ) Lifetime Achievement Award.
Comments are closed.