FEELING happy ang fans nina Nadine Lustre and James Reid sa paglabas ng bagong piktyur nila na magkasama. Tila may gusto marahil patunayan sina Nadine at James sa publiko.
Nagkataon naman na nakausap namin ang isang malapit sa kampo ni Nadine recently. Naging topic ng usapan ang malaking isyu ng hiwalayan ng JaDine sa pagpasok ng 2020.
Ayon sa kanya, “Bago nila sabihin na hiwalay na ang JaDine, hintayin muna nila magpa-annul ‘yung dalawa.”
Bakit naman magpapa-annul ang dalawa? Kasal na ba ang JaDine?
Diin ng aming source, matagal na raw kasal sina James at Nadine.
Nagpakasal daw ang dalawa sa US nu’ng ginagawa ng JaDine ang serye nilang “On The Wings of Love.”
Pero teka, kung sa US sila nagpakasal, dapat divorce at ‘di annulment. Tama naman daw, sabi ng aming source namin. Divorce nga raw.
Ito raw ang dahilan kaya malakas ang loob nina Nadine at James na amining nagli-live in na sila. Kaya ang bahay na tinitirhan ni James sa isang posh subdivision sa Kyusi ay conjugal property diumano nila ni Nadine.
Tsika pa ng source namin, inaayos daw ‘yung bahay ni James at Nadine sa QC at nagliligpit sila ng ilang gamit in preparation sa paglipat nila sa bago nilang lovenest sa isang condo sa Makati City.
And take note, worth more or less P30-M daw ang bagong condo unit nina James at Nadine.
E, ‘di wow!
JOSHUA GARCIA INAMIN NA NA-MISS SI JULIA
INAMIN ni Joshua Garcia na na-miss niya ang kanyang ex-girlfriend at kalabtim na si Julia Barretto sa media launch ng first movie for 2020, ang “Block Z” directed by Mikhail Red.
Tinanong kasi si Joshua at Julia sa media launch ng “Block Z” kung kumusta na sila after many months na ‘di sila nagkita.
Medyo bantulot and unsure pa si Joshua na sumagot sa umpisa.
“Okey naman kami. Okey kami. And….actually, nu’ng nakita ko siya, eto personally, ano ako, parang na-miss.ko rin siya ,di ba? Kasi, siyempre ang tagal naming hindi nagkasama. Na-busy siya, na-busy ako. Ayun,” lahad ni Joshua.
Say naman ni Julia, “We’re okey. That’s one of the things I am super grateful for is that we’re able to put up and, make sure that the friendship will remain. And tama si…tama siya. When I first saw him, it felt familiar. Kumbaga, parang, it’s…it’s uh…it’s uh, familiar place. It’s a comfortable place. Safe place.”
Comments are closed.