NAG-AALAB ANG HEAT

heat vs hawks

NAGBUHOS si Kendrick Nunn ng team-high 24 points at pinalawig ng  Miami Heat ang kanilang winning streak sa anim na laro sa pamamagitan ng 109-99 panalo laban sa Atlanta Hawks noong Linggo (US time).

Nakakuha ang Miami ng  16 points at 13 rebounds mula kay Bam Adebayo, habang umiskor sina Precious Achiuwa at Tyler Herro ng tig-14 points at nag-ambag si Goran Dragic ng 13 points.

Bumalik si South Florida native John Collins sa home at kumamada ng 34 points at 10 rebounds upang pangunahan ang  Atlanta.

Gumawa si Collins ng 19 points sa third, ang kanyang career high para sa isang quarter. Ang kanyang 34 points ay kapos ng isa sa kanyang season high.

LAKERS 117,

WARRIORS 91

Nagtala si LeBron James ng 19 points, at dinurog ng Los Angeles Lakers ang bisitang Golden State Warriors, 117-91.

Naipasok ni James, na kumalawit din ng 6 rebounds, ang 7 sa 12 shots, kabilang ang 3 sa 5 3-pointers sa season-low 24 minutes. Nagpah-inga siya at ang starters ng Lakers sa buong fourth quarter.

Nagdagdag si Markieff Morris ng 13 points at 8  rebounds, umiskor si Alex Caruso ng 13 at nakakolekta si Dennis Schroder ng 12 points at 6  assists para sa  Lakers. Nagposte si Kyle Kuzma ng 12 points at 11 rebounds at umiskor si Talen Horton-Tucker ng 11 mula sa  bench.

HORNETS 127,

KINGS 126

Ipinasok ni Malik Monk ang isang three-point play, may 1.4 segundo ang nalalabi, upang tulungan ang Charlotte Hornets na maitakas ang 127-126 panalo kontra host Sacramento Kings.

Tumapos si Monk na may  21 points habang kumana si PJ Washington ng career-high 42 points.

Tumabo si Buddy Hield ng 30 points para sa Kings. Naisalpak ni Hield ang walo sa 15 attempts mula sa 3-point range.

SUNS 118,

TIMBERWOLVES 99

Nagpasabog si Devin Booker ng season-high 43 points sa 15-of-26 shooting upang pangunahan ang Phoenix Suns sa 118-99 panalo kontra Minnesota Timberwolves.

Umiskor si Deandre Ayton ng 22 points sa 9-of-11 shooting at nakakolekta ng 10 rebounds para sa  Suns na nanalo sa ika-14 na pagkakata-on sa kanilang huling 17 games.

Gumawa si Dario Saric ng 13 points mula sa bench at nagdagdag si Chris Paul ng 11 points at napantayan ang kanyang season high na 15 assists para sa Phoenix.

Sa iba pang laro ay tinambakan ng Memphis Grizzlies ang Houston Rockets at dinispatsa ng New York Knicks ang Detroit Pistons, 109-90.

Comments are closed.