(Nag-report sa opisina sa ECQ, MECQ areas) HAZARD PAY SA GOV’T WORKERS

duterte

NAGLABAS ng kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ng hazard pay ang mga kawani ng gobyerno na nag-report sa kanilang mga opisina at hindi work-from-home sa panahon ng pagpapairal ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified ECQ dahil sa COVID-19 pandemic sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan.

Nakasaad sa Administrative Order No. 43, na nilagdaan ni Pangulong Duterte noong Hunyo 1, na ang mga government employee na regular, contractual o casual, at maging ang mga nasa contract of service, job order at iba matatawag na essentials na nag-report sa kanilang mga opisina sa panahon ng ECQ at MECQ ay naging peligroso sa COVID-19 infection at iba pang health dangers and hazards kaya dapat silang bigyan ng insentibo.

Ang hazard pay ay katumbas ng hindi naman lalagpas ng P500 kada araw bawat indibiduwal, ayon sa AO No, 43.

Maaaring ang pinuno na ng government agencies ang magbigay ng COVID-19 hazard pay sa kanilang mga tauhan na pumasok sa tanggapan at hindi na kailangan pa ang approval ng Department of Budget and Management (DBM).

Sakali namang ang government-owned o ang controlled-corporation ay kapos sa pondo, maaaring mas mababa sa P500 kada araw ang ibibigay na hazard pay subalit kailangang matiyak na uniform rate ang ibibigay sa mga kuwalipikadong personnel.

Ang pagkakaloob ng COVID-19 hazard pay sa mga empleyado ng local government units, kabilang na ang mga barangay na nagrereport sa kanilang trabaho, ay ipinauubaya na sa kanilang mga konseho at depende sa financial capability ng LGUs sa rate na hindi lalagpas ng 500 kada araw.

Magugunitang ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal ay isinailalim sa ECQ simula noong Marso 27, 2021 at naging MECQ sa kalagitnaan ng Mayo dahil sa paglobo ng kaso ng coronavirus disease. EVELYN QUIROZ

12 thoughts on “(Nag-report sa opisina sa ECQ, MECQ areas) HAZARD PAY SA GOV’T WORKERS”

Comments are closed.