NAG-SELFIE SA CHRISTMAS TREE NAKORYENTE

Selfie

QUEZON – PATAY ang 14-anyos na dalagita matapos na makoryente sa isang pampublikong Christmas display sa Mulanay.

Kinilala ang biktima na si Ma. Precila Sabid Peñaflor at residente ng lugar.

Pahayag ni Patrolman Juan Ferador Alzate ng Mulanay-PNP, nag-selfie umano ang biktima kasama ang mga kaibigan subalit nahawakan nito ang kable ng Christmas light display.

Iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente para malaman kung sino ang dapat na pananagutin sa naturang insidente.

Para naman sa awtoridad, nagpaalala ang mga ito ngayong Christmas season lalo na at kabi-kabila ang mga display.

Dapat aniya ang lubos na pag-iingat lalo na ang paghawak-hawak sa mga kable ng koryente at baka hindi alam na may open wire pala. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.