NANGANGANIB na sumirit ang presyo ng karneng baboy sa Metro Manila dahil sa sunodsunod na oil price hike.
“Sa tingin ko, tataas pa ‘yan. This coming week baka another P20. So, P40 itong buwan na ito,” pahayag ni Samahang Industriya ng Agrikultura president Rosendo So sa panayam sa TeleRadyo.
Dahil dito ay hiniling ng grupo sa gobyerno na tanggalin ang taripa para bumaba ang presyo ng produktong petrolyo.
“Kung tatanggalin ito, hindi lang ‘yung magbababoy, ‘yung mga farmers, pati ‘yung mga consumers at mga nagta-transport ng food [ang matutulungan],” sabi ni So.
Noong Martes, Oktubre 26, ay muling tumaas ang presyo ng krudo sa bansa. Ito na ang ika-9 na sunod na linggong pagtaas.