NAKAUMANG ang panibagong taas-presyo sa tinapay, cake at iba pang pastries.
Ito ang ibinabala ni Philippine Fedaration of Bakers Association Incorporated Spokesperson at Tinapayan Festival founder Chito Chavez sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng itlog.
Ayon kay Chavez, awtomatikong apektado ang operasyon ng mga lokal na panadero kung manipis ang suplay at mataas ang presyo ng itlog, na isa sa pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay.
Aniya, kung tataas pa ang presyo ng itlog, tiyak na magiging malaki ang problema ng mga producer dahil hindi naman sila maaaring magbawas ng sangkap, lalo ng itlog.
DWIZ 882