INAASAHAN ang pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon sa industry sources, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay posibleng tumaas ng P0.90 hanggang P1.10.
Nasa P1.20 hanggang P1.50 kada litro naman ang tinatayang dagdag-presyo sa diesel at P1.20 hanggang P1.40 kada litro sa kerosene.
Noong nakaraang Martes, Oktubre 17, ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene ay bumaba ng P0.95, habang tumaas naman ang presyo ng gasolina ng P0.55 kada litro.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustments tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Sa datos ng DOE, hanggang Oktubre 17, ang presyo ng gasolina ay tumaas na ng P12. 80 kada litro, diesel ng P10.40 at kerosene ng P4.99 kada litro.
LIZA SORIANO