SA IKAW-4 na sunod na linggo ay inaasahan ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo
Sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines, simula sa Martes, Setyembre 27, ang presyo ng kada litro ng diesel ay tatapyasan ng mula P1.20 hanggang P1.30.
Inaasahan naman ang mula P1.50 hanggang P1.60 bawas-presyo sa kada litro ng gasolina.
Ang mga kompanya ng langis ay karaniwang nag-aanunsiyo ng price adjustment tuwing Lunes na kanilang ipinatutupad kinabukasan.
Noong nakaraang Martes, Setyembre 20, ang presyo ng kada litro ng diesel ay may bawas na P4.15 at kerosene ng P4.45.
Ayon sa Department of Energy (DOE), hanggang Setyembre 20, ang net price increases buhat nang magsimula ang taon para sa gasolina, diesel at kerosene ay nasa P16.50, P30.65 at P25.45 kada litro, ayon sa pagkakasunod-sunod.
Sa datos ng DOE, hanggang September 6-8, 2022, ang presyo ng kada litro ng gasolina ay naglalaro sa P63.75 hanggang P73.55 kada litro sa Quezon City; diesel, P77.20 hanggang P81.95 sa Makati City; at kerosene, P82.11 hanggang P93.45 kada litro.