(Nagbabadya) TAAS-PRESYO SA LPG

LPG TANK-2

ISA na namang malakihang pagtaas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang nagbabadya sa susunod na buwan dahil sa pagsipa ng international contract price nito.

“Ang sinasabi lang namin is ‘yong $65 ngayon, ang equivalent increase niyan is P3.50 [kada kilo],” wika ni Arnel Ty, presidente ng Regasco na nagbebenta ng LPG.

“We hope and pray na bumaba pero sinasabi namin ito para ang mga consumer, makapaghanda,” sabi ni Ty.

Ngayong Oktubre ay mahigit P80 na ang itinaas ng presyo ng regular na tangke ng LPG kasunod ng pagtaas ng contract price ng imported na cooking gas.

Sa unang  dalawang araw ng trading sa international market ay pataas din ang preyso ng imported na petrolyo ngunit maaari pa itong magbago hanggang Biyernes.

Sa walong sunod na linggo o sa loob ng dalawang buwan ay pumalo na sa P8.65 kada litro ang itinaas ng presyo ng diesel, P7.20 sa kada litro ng gasolina at P8.05 sa kada litro ng kerosene.

5 thoughts on “(Nagbabadya) TAAS-PRESYO SA LPG”

Comments are closed.